^

PM Sports

Philippine 3x3 team nagte-training na

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang buwan bago ang 2018 International Basketball Federation (FIBA) 3x3 World Cup ay nagsimula na ring magsanay kamakalawa ang pambato ng Pilipinas sa Meralco Gym sa Ortigas, Pasig City.

Dumalo sa unang ensayo sina Stanley Pringle ng Globalport gayundin sina Troy Rosario at Roger Pogoy ng Talk ‘N Text habang wala pa si Christian Standhardinger ng San Miguel.

Magugunitang kakalaro pa lamang ni Standhardinger kasama ang koponan ng Beermen sa Philippine Basketball Association (PBA) isang gabi bago ang pagsasanay ng pambansang koponan.

Nakalasap sila ng masaklap na 85-93 kabiguan kontra sa Meralco at nataon na may ensayo din ang San Miguel kinabukasan upang mapag-usapan ang kanilang mga pagkakamali sa kanilang unang kabiguan sa 2018 Commissioner’s Cup.

Napili ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang apat na manlalaro mula sa PBA upang kumatawan ng bansa sa prestihiyosong 3x3 World Cup na dito gaganapin sa Hunyo.

Inanunsyo ng SBP at PBA ang mga napi-ling manlalaro dalawang linggo na ang nakalilipas ngunit ngayon lamang nabigyan ng pagkakataong makapagsanay bunsod ng magkakaibang  iskedyul ng kanilang mga koponan.

Sa apat na manlala-rong ito, si Rosario lamang ang may karanasan sa 3x3 ngunit mas pinili ni Coach Ronnie Magsanoc na iparada ang mga hindi pa kilala ng ibang bansa para sa ‘element of surprise’ lalo’t gusto nilang makasilat ng malalakas na koponan bilang host country.

Sa oras na naka-adjust na si Standhardinger sa SMB at sa PBA sa kabuuan bilang isang rookie, inaasahang sasama na siya sa ensayo ng pambansang koponan.

 

vuukle comment

PHILIPPINE 3X3 TEAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with