^

PM Sports

Mayweather enjoy sa Pinas

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa labis na kasiyahan ni Floyd Mayweather, Jr. sa kanyang pagbisita sa Pilipinas ay mag-e-extend siya ng isang araw at plano niyang magtungo sa Cebu City.

Matapos pumasyal at magpahinga sa Pangulasian Island sa El Nido sa Palawan ay gumala naman noong Miyerkules ang 41-anyos na American boxing great sa Mall of Asia Arena sa Pasay City kung saan siya pinagkaguluhan ng kanyang mga Pinoy fans.

Ito ang unang pagkakataon na bumisita sa bansa si Mayweather, tinalo si Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao via unanimous decision sa kanilang super fight noong Mayo ng 2015.

Hindi pinalampas ni Mayweather ang pagtikim sa bantog na Chicken Inasal sa MOA.

“Oh yeah, that’s good food,” sambit ni Mayweather kasabay ng pagtataas niya ng kanyang tinidor.

Marami ang umaasang magkikita ang dalawang boxing superstars bago bumalik sa United States ang American world five-division titlist.

Ngunit kasalukuyang abala ang 39-anyos na si Pacquiao sa General Santos City sa kanyang paghahanda para sa paghahamon kay WBA welterweight king Lucas Matthysse sa Hulyo 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Noong Martes ay nagkausap sina Pacquiao at Mayweather sa telepono habang nasa Palawan ang tinaguriang pinakamayamang atleta sa buong mundo.

“Nagkausap kami sa telephone. Kumusta lang. Sabi ko, ‘Welcome to the Philippines. Enjoy your vacation,” sabi ni Pacquiao sa panayam ng Unang Hirit sa GMA 7. “Ini-invite ko nga siya na makapaglaro sila (rito ng basketball) sa may 4 days league dito sa GenSan eh.”

Kilalang mahilig sa basketball si Mayweather at sa kanyang pagdating sa airport ay nakipag-shooting pa ang undefeated boxer sa ilang Pinoy.

Sa pagsagupa ni Pacquiao kay Matthysse ay naniniwala si Mayweather na exciting ang naturang laban.

Nakatakdang bumalik si Pacquiao sa Manila sa Mayo 14 para mag-ensayo sa Elorde Gym sa Pasay City.

vuukle comment

JR.

FLOYD MAYWEATHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with