^

PM Sports

Columbian dyip umarangkada

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Patuloy ang arangkada ng Columbian Dyip at nagpapakita ng sensyales na handa silang makipagbakbakan para sa puwesto sa playoff round.

Dapat bigyan ng credit si coach Ricky Dandan at team manager Joe Lipa na nabigyan nila ng buhay ang koponan na mukhang hindi malaman ang direksyon na patutunguhan noong panahon na ito ay nasa ilalim pa ng Team Pacquiao.

Sa mga unang sigwada ng PBA Commissioner’s Cup, kasama sa mga nangunguna sa karera ang Dyip dahil sa tatlong solidong panalo kontra sa Blackwater Elite (126-98), NLEX (123-103) at Rain or Shine (104-96). Natalo sila sa Meralco at Alaska Milk.

Isa pang magandang pagsubok ang kanilang haharapin kontra sa Magnolia sa Miyerkules bago mag-enjoy ng dalawang linggong welcome break.

Oportunidad ito upang makapagpahinga at ma-assess ang mabibigat na laban kontra sa TNT Ka-Tropa, San Miguel Beer, Phoenix Fuel, Barangay Ginebra at GlobalPort.

Kasama sa kanilang preparasyon para sa mga higanteng laban ang pagkuha kay John Fields upang palitan ang may kanipisan na import na si CJ Aiken.

“He’s fresh from the Greek league and he’s used to playing big imports. That’s the reason why we took him in,” ani Dandan. “It looked like a big gamble, but I have absolute faith how he would be able to help us.”

Malalaking numero ang hinugot ni Fields sa kanyang unang dalawang laro sa local pro league. Tumikada siya ng 39 points kontra sa Alaska at bumatak ng 34 points sa 13-of-17 shooting kontra sa Rain or Shine.

Kay Fields, may panapat ang Dyip sa mga mala-laking frontliners ng kalaban. At the same time, ipinakikita ni Fields na swak siya sa run-and-gun game ni coach Dandan.

Takbuhan ang panlaban ng Dyip dahil aminado silang wala silang pag-asang manalo sa deliberate halfcourt game.

Malaking alas din ng koponan ang mataas na kumpiyansa ng mga locals tulad nina Rashawn McCarthy, Jerramy King, Reden Celda at Carlo Lastimosa.

vuukle comment

COLUMBIAN DYIP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with