^

PM Sports

Ikaw na Mayweather

BALL FACTOR - Mae Balbuena - Pang-masa

Dumating si Floyd Mayweather dito sa Pinas pasado alas-2:00 ng madaling-araw.

Kilala si Mayweather sa kanyang magarbong style at pagyayabang ng kanyang yaman at ito nga ang kanyang effect pagdating niya dito sa Manila kahapon ng madaling araw.

Grabe ang mga sasakyang gamit niya.

Naka-private jet na may logo na TMT (The Money Team) nang dumating ito mula sa Bangkok, Thailand.

Galing din siya ng Dubai at Singapore at Indonesia.

May pa-advance party pa si Mayweather dahil pagdating niya dito, nag-aabang na ang magagara niyang sasakyan na  dalawang custom The Money Team stretch Hummers,  custom Rolls Royce Phantom na may mga TMT logo sa gilid bukod pa sa dalawang Lamborghinis.

Pa-party-party din si Mayweather sa The Cove Manila, isang pang-mayamang party place sa Okada, Manila.

A-list ang mga guest na makaka-party ni Mayweather sa The Cove kung saan may pa-fashion show daw para sa kanya.

Pinili niyang sakyan ang isang Lamborghinis pag-alis ng airport.

Naka-schedule na pumunta si Mayweather sa El Nido, Palawan.

Posible na makipagkita siya kay Manny Pacquiao sa kanyang three-day visit dito sa Pinas.

Ikaw na Floyd Mayweather.

vuukle comment

FLOYD MAYWEATHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with