^

PM Sports

Dumarami ang pinoy sa FIBA

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Topic ko si Andrew Teh at ang kanyang appointment sa FIBA bilang technical delegate sa column na ito last week.

Pero liban pala kay Teh, may dalawa pang Pinoy na nadagdag sa FIBA circle sa pag-shift ng world basketball body sa home-and-away series para sa kanilang World Cup qualifiers.

Isa si Qatar-based Kevin Luna at isa pa si Fidel Mangonon, ang beteranong stats chief ng Philippine Basketball Association. Dalawa sila sa labinlimang Asyano na nakalusot bilang licensed FIBA stats instructors.

Tangan nila ang poder sa pagka-conduct ng workshops at pagbibigay ng lisensya sa local sta-tisticians na puwedeng magtrabaho sa home-and-away FIBA games.

Nakuha ni Mangonon ang kanyang lisensya sa pag-attend ng two-day workshop at sa pagpasa ng pagsusulit sa Beirut, Lebanon noong nakaraang taon.

LeBron James sa larangan ng stats si Mangonon sa ating bansa!

***

Ngayong tapos na ang kampanya ni Renaldo Balkman sa ABL, sino kayang koponan sa PBA ang kakatok sa pintuan ng premyadong Puerto Rican player?

Ito ang katanungan para sa marami.

Tangan ng San Miguel Beer ang signing right or “right of first refusal” kay Balkman, pero matagal nang nakalinya na lumaro para sa kanila si Troy Gillenwater.

Malamang din naman na kasama sa option ni SMB coach Leo Austria si Balkman kung sakaling pumalpak sila kay Gillenwater.

Malamang na mag-aasam din ang ibang koponan kung palpak din ang kanilang import.

Unang-una, tipid sa airfare dahil nandito na sa bansa at available si Balkman.

Malaking susi si Balkman kasama si Justin Brownlee sa pagsungkit ng San Miguel Alab sa 2018 ABL championship. Kumamada si Balkman ng 32 points upang pangunahan ang 102-92 panalo ng San Miguel Alab kontra sa Mono Vampire sa kanilang winner-take-all match sa Sta. Rosa, Laguna noong isang gabi.

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with