^

PM Sports

Si Romeo at si Jayson

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Kasama sa paghaba ng career ni Jayson Castro ang dagdag na responsibilidad na mamuno sa mga mas nakakabatang kakampi sa TNT Katropa.

Siya na ngayon ang gumaganap ng papel na hina­wakan noon ni Jimmy Alapag nang sila ay mag­kasama sa TNT at ganoon din sa national team.

“Jayson’s embracing that role to guide younger players and really lead them. How Jimmy (Alapag) guided him when he’s starting in the PBA, that’s Jayson’s role now,” ani TNT coach Nash Racela sa papel na ginagampanan ni Castro kasama sina RR Garcia, Jerico Cruz at pati na si Terrence Romeo sa ngayon.

“Ginagawa naman ni Jayson ang role na ‘yon. He makes it a point to talk them,” dagdag pa ni Ra­cela.

At tunay na magandang role model naman si Cas­tro sa kanyang magandang halimbawa sa loob at sa labas ng court.

Sa kanilang unang laro sa PBA Commissioner’s Cup, kinulang lang si Castro nang apat na rebound upang makumpleto ang triple-double performance sa kanilang 128-114 panalo kontra sa Globalport no­ong nakaraang gabi.

Nagpakawala si Castro ng 21 points at 10 assists, samantalang nag-ambag lang si Romeo ng 11 points sa kakapa-kapang performance sa kanyang TNT debut.

Hindi naman ikinagulat ni Racela ang struggle ni Romeo dahil ikaapat na laro pa lang iyon ni PBA three-time scoring champ galing sa mahabang pa­kikipaglaban sa injury.

“He’s practically out a whole conference. Look at him, he’s not in playing shape. His timing was off. But his performance was acceptable for me,” ani Racela.

Meron din sariling highlight moment si Romeo sa kanilang fourth-quarter breakaway bago natawagan ng tatlong sunud-sunod na dribbling violation.

Ang pasaring ni Romeo sa referee pagkatapos ng laro, galing daw yata sa ibang planeta ang kanyang officiating knowledge.

Marami ang malamang na mapatawan ng fine sa bakbakang TNT-Globalport match kung saan ilang players ang natawagan ng technical at flagrant infractions.

Malamang na masama si Romeo dito dahil sa kanyang banat sa referee.

vuukle comment

JAYSON CASTRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with