^

PM Sports

Bakbakang umaatikabo

Russell Cadayona - Pang-masa
Bakbakang umaatikabo

Leo Austria, Chito Victolero

MANILA, Philippines — Magtutuos ang dalawang koponang may pinakamaraming korona sa PBA All-Filipino Conference.

May pitong kam-peonato ang San Miguel, habang anim naman ang nakolekta ng Magnolia.

Sisimulan ng nagdedepensang Beermen at Hotshots ang kanilang best-of-seven championship series sa Game One ng 2018 PBA Philippine Cup Finals ngayong alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Nagposte ang San Miguel ng average na 98.71 points per game at nililimitahan naman ng Magnolia ang kanilang kalaban sa 89.94 points per contest.

“When it comes to scoring, kami ang No. 1,” sabi ni Beermen coach Leo Austria sa Hotshots. “But when it comes to defense, I think sila ‘yung No. 1 eh. We will be having a good match.”

Nasa kanilang pang-39 Finals stint ang San Miguel at hangad ang ika-25 titulo, samantalang maglalaro ang Magnolia sa kanilang ika-28 championship appearance at puntirya ang pang-14 titulo.

“We’ve been consistent with our goals noong start pa lang ng conference, which is to limit our opponents to under 90 points,” wika ni Hotshots mentor Chito Victolero. “Nagawa naman namin iyon, and much better pa nga siguro.”

Nauna nang tinakasan ng San Miguel ang Magnolia, 77-76 sa una nilang pagkikita sa elimination round noong Pebrero 4 sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Huling nagsagupa para sa PBA crown ang Beermen at Hotshots noong 2013 PBA Governor’s Cup Finals kung saan tinalo ng San Mig Super Coffee (Magnolia) sa ilalim ni coach Tim Cone ang Petron (San Miguel) sa Game Seven sa rookie year ni four-time PBA MVP June Mar Fajardo.

Ngayong taon ay determinado ang San Miguel na makamit ang kanilang ikaapat na sunod na PBA Philippine Cup title.

“We know what’s at stake, and we have lots of motivation,” wika ni Beermen shooting guard Marcio Lassiter.

Pipilitin ng Magnolia na wakasan ang tatlong sunod na dominasyon ng tropa ni Austria sa All-Filipino Conference.

“Kuha nila ‘yung hu-ling tatlong (Philippine Cup) championships. Mabigat silang kalaban.” ani Hotshots veteran guard PJ Simon.  “Pero titingnan namin kung ano ang magagawa namin.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with