Walang pinipiling kalaban ang San Miguel sa semis
MANILA, Philippines — Hindi pipili ng kalaban ang San Miguel sa kanilang pagtatanggol sa korona sa 2018 PBA Philippine Cup Finals.
Isinara ng Beermen ang best-of-seven semifinals series nila ng Ginebra Gin Kings sa 4-1 sa kanilang 100-94 pananaig sa Game Five noong Sabado.
Umabante ang San MIguel sa kanilang ika-39 PBA Finals stint at hangad ang pang-25 korona.
“Basta kami gagawin naming lahat para manalo. Hindi madali ‘yun kaya kailangan naming magsakripisyo para doon,” sabi ni four-time PBA MVP June Mar Fajardo.
Puntirya rin ng Beermen ang kanilang makasaysayang ikaapat na sunod na titulo sa PBA Phi-lippine Cup.
“Four-peat, we will see kung kaya namin ito. But there is a very good chance for this because the advantage is with us because we have a chance to rest,” ani head coach Leo Austria.
Habang sinusulat ang balitang ito ay kasalukuyang naglalaban ang Magnolia Hotshots at NLEX Road Warriors sa Game Five ng kanilang sari-ling best-of-seven semifinal series na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo kagabi.
Ang mananalo sa Magnolia at NLEX ang siyang sasagupa sa San Miguel Beermen na nauna na sa finals matapos sibakin ang Ginebra sa kanilang sariling semis series sa 4-1.
Ang Finals ay magsisimula sa March 25.
Umaasa si Fajardo na mapupuwersa sa Game Seven ang naturang serye ng Hotshots at Road Warriors upang magkaroon sila ng panahong makapagpahinga.
“Hindi naman ganoong kadali ‘yung series namin (kontra sa Ginebra), nakakapagod. Kaila-ngang gamitin nang maayos ang pahinga namin at makapagpraktis nang maayos para maging ready ‘yung katawan namin,”sabi ng 6-foot-10 star center.
Bukod kay Fajardo, inaasahan ding bibigyan ni Austria ng ilang araw na break sina one-time PBA MVP Arwind Santos, Alex Cabagnot, Marcio Lassiter at Chris Ross.
- Latest