^

PM Sports

3-2 bentahe krusyal sa NLEX at Magnolia

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hanggang makakapuwersa ng game Seven ay gagawin ng NLEX para mapalakas ang kanilang tsansang makapasok sa ka­una-unahan nilang PBA Finals.

“Ang objective naman namin dito is just to stretch he series for as long as we can,” sabi ni coach Yeng Guiao matapos talunin ng kanyang Road Warriors ang Magnolia Hotshots, 91-79, sa Game Four ng kanilang se­mifinals series para sa 2018 PBA Philippine Cup noong Biyernes.

“Pahabain lang namin nang pahabain. ‘Pag du­mating ng Game 7 ito baka makatsamba kami do­on, maungusan namin sila,” dagdag pa ng mentor.

Itinabla ng NLEX sa 2-2 ang kanilang best-of-seven semifinals showdown ng Magnolia matapos ma­kabangon mula sa ka­biguan sa Game Two (84-99) at Game Three (99-106).

Paglalabanan ng Road Warriors at ng Hotshots ang mahalagang 3-2 bentahe ngayong alas-6:30 ng gabi sa Game Five sa Yna­res Center sa Antipo­lo City.

Ito ang unang semis ap­pearance ng NLEX, habang target naman ng Magnolia ang kanilang ika-28 PBA Finals stint at hangad ang pang-14 ti­tulo.

“I have to admit na mas experience sila kesa sa amin, pero siguro ‘yung advantage namin is we’re hungry na this is our first time here sa semifinals,” wika ni guard Kevin Alas, kuma­mada ng 13 points, 6 re­bounds at 5 assists sa panalo ng Road Warriors sa Game Four.

Sinabi naman ni head coach Chito Victolero na kailangang magtulungan ang kanyang mga Hotshots para maagaw ang ben­tahe sa serye.

“It’s down to a best-of-three series. We need to play together and stay to­gether,” wika ni Victo­lero.

Muling sasandigan ng NLEX sina Alas, rookie sensation Kiefer Ravena, Cyrus Baguio, Alex Mallari, JR Quinahan katapat sina Paul Lee, Ian Sanga­lang, Mark Barroca, Jio Jalalon, Rome Dela Rosa at Rafi Reavis ng Magno­lia.

Samantala, bibigyan pa rin ng Hotshots si Mrc Pingris, hindi na maka­ka­laro sa season matapos magkaroon ng torn an­terior cruciate ligament (ACL), ng bagong kon­trata.

Ito ang tiniyak ni Mag­­nolia governor Rene Par­­do sa 35-anyos na si Pingris, nakatakdang ma­tapos ang kontrata nga­yong 2018.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with