^

PM Sports

Classics, Clutch umiskor ng panalo

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isinalba ni Jeff Javil­lonar ang Valenzue­la Classics mula sa kanyang limang krusyal na free throws para maka-eskapo laban sa Quezon City Capitals, 84-79, sa Maharlika Pilipinas Basketball League Anta Rajah Cup noong Huwebes ng gabi sa Valenzuela City Astrodome.

Binura ni Javillonar ang 79-79 pagkakatabla mula sa kanyang split sa huling 17 segundo sa laro.

Nakuha naman ni Ford Ruaya ang offensive rebound kaya balik na naman si Javillonar sa foul line para sa 82-79 abante ng Classics sa natitirang 14 segundo.

Nagmintis si Joco Tayongtong sa minada­ling triple sa panig ng Capitals kaya nagbalik si Javillonar sa charity line para sa fi­nal score at maitala ang ikaanim na panalo ng Classics sa siyam na laro.

Tinapos ng Valen­zue­la ni coach Chris Gavina ang eli­mination round sa second spot sa likuran ng Batangas Athletics na hawak ang 8-1 kartada.

Bumaba naman ang Quezon City sa pang-li­ma hanggang pang-anim na puwesto kasama ang Navotas Clutch sa pareho nilang 5-4 record.

Umiskor si RJ Arga­mino ng 22 puntos ka­sama ang 8 rebounds, habang si Javillonar ay umani ng 12 puntos, kabilang ang pito mula sa charity line, kasunod ang 11 marka ni Rocky Acidre para sa Classics.

Samantala, kinuha ng Navotas Clutch ang 78-74 panalo kontra sa Pa­rañaque Patriots para tu­maas sa pang-limang pu­westo sa torneo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with