Adamson naghari sa UAAP baseball
MANILA, Philippines — Tinapos ng Adamson University ang kanilang walong taon na pagkauhaw sa baseball title, habang pinalawig ng kanilang softball team ang pagdomina sa UAAP Season 80 kahapon sa Rizal Memorial Baseball Stadium.
Sa likod ni Jerome Yenson, tinalo ng Falcons ang De La Salle Green Batters, 13-6, para kumpletuhin ang two-game sweep sa baseball Finals.
Pinatumba ng Lady Falcons ang University of Santo Tomas Tigresses, 8-5, para itulak sa Game Three ang softball championship series.
Nagtuwang sina pitcher Lexter Carandang, Boo Barandiaran, Iggy Escaño at season MVP Kiko Gesmundo para ibigay sa Green Batters ang 5-0 bentahe.
Pinamunuan naman ni Yenson ang pagbangon ng Falcons sa bottom third.
Umiskor ang Adamson ng 14 runs mula sa third hanggang sixth inning para sa kanilang nine-run lead at tuluyan nang iwanan ang La Salle.
Ito ang ika-11 baseball crown ng Falcons at kauna-unahan matapos noong 2009-10 season. FMLumba
- Latest