Chiefsquad kinuha ang back-to-back title
MANILA, Philippines — Tinalo ng Arellano University ang University of Perpetual Help-System Dalta para matagumpay na idepensa ang kanilang korona sa 93rd NCAA cheerleading competition kahapon sa Smart-Araneta Coliseum.
Nagpakita ang AU Chiefsquad ng mas malinis at mas magandang choreographed dance bukod pa sa mahihirap na pyramids at stunts para makuha ang atensyon ng mga hurado.
Kumolekta ang Arellano ng aggregate score na 234.5 points para sa kanilang ikalawang sunod na titulo at ikatlo sa kabuuan.
“We dedicate the victory to the whole Arellano U community and our school officials who have supported us through thick and thin,” sabi ni Chiefsquad head coach Lucky San Juan.
Tumapos naman ang Perpsquad sa ikalawang puwesto mula sa 226 points kasunod ang San Beda Red Corps (193.5 points).
Samantala, pormal na iginawad sa San Beda ang mga tropeo bilang Season 80 overall champions sa senior’s at junior’s divisions. FMLumba
- Latest