Perez hangad ang titulo ni Roach
MANILA, Philippines — Pagkakataon na ni Filipino fighter Rey “Flash” Perez na maipakita ang kanyang husay sa harap ng Americans fans.
Nakatakdang hamunin ni Perez si undefeated junior lightweight prospect Lamont Roach, Jr. ngayon sa MGM National Harbor sa Maryland, USA.
Tatangkain ng tubong Laguna na si Perez na maagaw kay Roach ang suot nitong World Boxing Council Youth super featherweight title sa kanilang 10-round main event ng Golden Boy Boxing.
Bitbit ng 27-anyos na si Perez ang 21-8-0 win-loss-draw ring record kasama ang 6 knockouts kumpara sa taglay na 15-0-0, 6 KOs card ng 22-anyos na si Roach.
Nakamit ng pambato ng Upper Marlboro, Maryland ang National Golden Gloves title noong 2013.
Ito ang magiging ikaapat na laban ni Roach ngayong 2017, ang huli ay nang umiskor ng first-round TKO laban kay Dominican journeyman Luis Hinojosa noong Oktubre.
Itataya ni Roach ang WBC Youth super featherweight belt sa ikalawang sunod na pagkakataon.
- Latest