^

PM Sports

Balik ensayo na si Pacquiao

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inaasahang ngayong linggo ay magbabalik si Manny Pacquiao sa kanyang paboritong ginagawa -- ang mag-ensayo sa ibabaw ng boxing ring.

Sa report sa Philboxing.com, sinabi ni Pacquiao na nasasabik na siyang muling tumapak sa gym pati na ang amoy nito na kanyang hinahanap.

“Balik-ensayo, balik-boksing at siyempre excited na makaamoy na naman gym, makapagsuot ng boxing glove, sumuntok sa heavy bag, double end at speed ball,” wika ni Pacquiao na na-ging abala sa kanyang trabaho sa Senado.

Idedepensa ni Pacquiao (59-6-2, 38 KOs) ang kanyang suot na World Boxing Organization welterweight crown laban kay Australian challenger Jeff Horn (16-0-1, 11 KOs) sa 55,000-seater Suncorp Stadium sa Brisbane.

Ito ang unang laban ni Pacquiao matapos ta-lunin si Jessie Vargas via unanimous decision para agawin sa Mexican ang hawak nitong WBO title noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Siyam na linggong magsasanay ang 38-anyos na si Pacquiao sa Elorde Gym sa Mall of Asia complex sa Pasay City matapos ang anim na buwan na pagkawala sa aksyon.

Tumatayong paborito si Pacquiao sa kanyang pagharap kay Horn, isang dating school teacher sa Brisbane.

Ngunit sinabi ng Filipino world eight-division champion na hindi siya magkukumpiyansa sa kanyang pakikipagtuos kay Horn.

“Katunayan yan na I’m not taking this fight lightly as some sectors think I am. At hindi ko rin ina-underestimate and kalaban ko,” ani Pacquiao.

Kung mananalo kay Horn ay inaasahang itatapat ni Bob Arum ng Top Rank Promotions kay Pacquiao si British star Amir Khan (31-4-0, 19 KOs) sa Nobyembre.

vuukle comment

PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with