^

PM Sports

Walang iba kungdi NCR

Francisco Cagape - Pang-masa

San Jose, Antique , Philippines  -- Hinablot ng National Capital Region ang kanilang ika-13th sunod na overall championship trophy sa pagtatapos kahapon ng 60th Palarong Pambansa na ginanap sa Binirayan Sports Complex dito.

Humakot ang Big Capital City ng kabuuang 98 golds, 66 silvers at 45 bronzes para patunayan muli ang kanilang dominasyon taunang Palaro mula pa noong 2003.

Ang 2004 Palaro ay nakansela dahil sa national election  sa taong iyon.

Ang malaking agwat sa pumapangalawang Calabarzon na nakalikom lamang ng 41-57-57 gold-silver-bronze haul ay nagpapatunay sa ma-lakas na development ng sports sa malalaking siyudad kung ikumpara sa ibat-ibang probinsiya.

Tumapos sa ikatlong puwesto ang Western Visayas sa 38-29-40 habang pang-apat ang Negros Region sa 26-27-36 at panglima ang Socsargen sa 26-22-35.

Ang gymnastics ay nagiging malaking minahan ng NCR na pinagmulan ng kabuuang 33 sa 43 events na pinaglabanan habang pumangalawa ang swimming sa 28, siyam sa athletics, walo sa table tennis at lima sa taekwondo. Ang ibang ginto ng NCR ay mula sa basketball, football, archery, taekwondo, badminton at lawn tennis.

Inagaw din ng NCR ang ginto sa secondary boys basketball matapos talunin sa Finals ang Western Visayas, 75-48 at sa football event, nagwagi rin sila kontra sa Western Visayas, 3-1, sa Finals sa pa-ngunguna nina Kieth Absalom at Shandon Vergara upang lubusin ang kanilang paghahari sa Antique Palaro na ginanap dito sa unang pagkakataon.

Sa kabuuang 19 bagong records na naitala sa swimming, 14 nito mula sa mga swimmers ng NCR sa pangunguna ni Maurice Sacho Ilustre na mayroong lima, tatlo kay Jerald Jacinto, tatlo rin ay Nicole Pamintuan, tatlo kay Drew Magbag at dalawa kay Bela Louis Magtibay kabilang na sa relay events.

Sa athletics, binago rin ni Francis Obiena ang kanyang dating record sa secondary boys pole vault sa 4.30-m kaya nadagdagan pa ang mga outstanding athletes ng Big City.

Pagkaraan ng mahigit walong araw na paligsa-han, ang 17-anyos na si Ilustre ang may pinakamaramimg gintong medalya sa kanyang pito kabilang na ang tatlo mula sa relay events. Si Veruel Verdadero ng Calabarzon ay nag-uwi rin ng lima sa athletics.

Ang iba pang multi-medalists ay si Kyla Soguilon ng Western Visayas na mayroon ding anim sa swimming at lima kay  Nicole Pamintuan ng NCR. Sa gymnastics, nanalo rin ng tig-lima sina Hannah Lalaine Perez at Anya Mikhel Feraren ng NCR at apat kay Karl Jahrel Eldrew Yulo.

Ang lahat ng mga gold medallists ay makatanggap din ng P3,000 mula sa Department of Education at P2,000 sa silver medalists habang ang bronze medallists ay bibigyan din ng tig-P1,000.

vuukle comment

NCR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with