Parks tumitingin ng opsyon
MANILA, Philippines - Matapos ang kampanya ng Alab Pilipinas sa Asean Basketball League ay bubuksan ni Ray Parks, Jr. ang kanyang pintuan sa ibang oportunidad na magbubukas sa kanya.
Ngunit kailangan muna niyang makarekober mula sa mga injury na kanyang nalasap sa ABL.
Plano ni Parks, anak ni seven-time PBA Best Import Bobby Parks, na bumalik sa United States para magsanay sa ilalim ni trainer Tyrone Gordon.
Matapos ito ay posible siyang muling mag-laro sa NBA D-League o sa NBA Summer League.
“Right now, I just try to get better to be ho-nest. I’m open minded about everything and we will see how every-thing goes,” sabi ng da-ting two-time UAAP Most Valuable Player ng National University Bulldogs.
Dahil sa injury ay hindi nakalaro si Parks sa Game Two ng ABL semifinals series laban sa Singapore Slingers.
Ang resulta nito ay ang 64-82 pagyukod ng Alab Pilipinas laban sa Slingers.
- Latest