^

PM Sports

Martinez kinapos

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bagama’t nakaipon siya ng total score na 196.79 para sa No. 24 spot sa World Figure Skating Championships sa Helsinki ay hindi pa rin nabigyan si Filipino ice skating star Michael Martinez ng tiket para sa 2018 Winter Olympics.

Ito ang inihayag kahapon ng Philippine Skating Union sa kanilang Twitter account ukol sa kabiguan ni Martinez na makakuha ng silya para sa 2018 Winter Olympics na idaraos sa Pyeongchang.

Ang Top 24 skaters sa men’s singles event ay makakakuha ng tiket para sa Winter Games, ngunit ang inuukupahang No. 24 spot ni Martinez ay napasa-kamay ng bansang may dalawang atletang nakapasok sa Top 13.

“Yes, Michael Martinez finished at the Top 24 at Worlds, but with other countries earning multiple spots, the 24 spots were quickly filled,” paliwanag ng Philippine Skating Union sa kanilang Twitter.

Ang mga bansang nasa Top 13 at may dalawang atleta ay pinapayagang magdala ng isa pang skater sa Winter Games.

Halimbawa na dito ay ang Japan (1st at 2nd), Canada (5th at 9th), United States (6th at 7th) at Russia (8th at 11th) na maaaring magdagdag ng ikatlong skater sa kanilang tropa.

Sa kabila nito ay may tsansa pa rin si Martinez na makalahok sa 2018 Winter Games.

Ito ay sa pamamagitan ng kanyang pagsabak sa Nebelhorn Trophy sa Germany, ang qualifying event sa Setyembre, kung saan anim na puwesto ang ibibigay sa men’s singles skating.

Noong 2013 edition ng event ay nakasikwat ang 20-anyos na si Martinez ng tiket para sa 2014 Sochi Olympics at hinirang na unang skater mula sa Southeast Asia na nakagawa nito.

vuukle comment

SKATING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with