^

PM Sports

Final Four puntirya ng Ateneo

Pang-masa

MANILA, Philippines -  Tatangkain ng nangu-ngunang Ateneo na makamit ang unang puwesto sa Final Four ng women’s division ng UAAP Season 79 volleyball tournament sa kanilang paghaharap ng Far Eastern University sa Araneta Coliseum nga-yong hapon.

Magaganap ito sa ika-4:00 ng hapon pagkatapos ng salpukan ng University of Sto. Tomas at Adamson sa ganap na alas-2:00.

Susubukan ding mapalawig ng Ateneo ang kanilang seven-game winning streak na nag-akyat ng kanilang rekord sa 8-1, isang panalo pa upang pormal na makapasok sa semifinals ngayong taon.

Kakalabanin nila ang FEU na nakasiksik sa 5-4 kasama ang UST, NU at UP, sa likod ng nagdedepensang La Salle.

Umabot hanggang five sets ang laro ng dalawang koponan sa first round kung saan nagawang makabalik ng Ateneo sa dalawang set na pagkakaiwan tungo sa 25-19, 24-26, 19-25, 25-16, 15-11 panalo noong Pebrero 12 sa San Juan Arena kaya’t inaasahan na magiging maganda ang laban nila ngayong second round.

Huhugot pa rin ng lakas ang Lady Eagles sa kanilang kapitan at setter na si Jia Morado at Michelle Morente na patuloy ang pagpapakitang-gilas matapos hindi makapaglaro noong nakaraang season. Nariyan rin sina Bea De Leon, Kat Tolentino at Jhoanna Maraguinot na malaki rin ang naiambag sa opensa at depensa.

Hahamunin sila nina Bernadette Pons, Toni Rose Basas, Remy Palma at ni Angel Cayuna ng Lady Tamaraws na galing sa 25-9, 25-20, 25-11 panalo sa Adamson, pambawi sa dalawang sunod na talo.

Sa men’s division, target ng back-to-back defending champions Ateneo (9-0) ang kanilang ikawalong sunod na panalo laban sa UST (4-5) sa ika-10 ng umaga kasunod ng banggaang UP (4-5) at UE (1-8) sa alas-8.  - MLumba

 

vuukle comment

UAAP SEASON 79

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with