^

PM Sports

Ateneo hangad ang sweep sa men’s football

Pang-masa

MANILA, Philippines -  Target ng Ateneo na mawalis ang first round sa pagsagupa sa Far Eastern University sa UAAP Season 79 men's football tournament ngayon sa Moro Lorenzo Field.

Ngunit hindi magagamit ng Blue Eagles ang serbisyo ni league leading goalscorer Jarvey Gayoso sa kanilang pang alas-4 ng hapong salpukan ng Tamaraws.

Sinuspinde ang sophomore striker, nagtala ng limang goals, dahil sa pagkakaroon ng dalawang yellow cards ngayong season.

Sa alas-2 ay magkikita muna ang University of Santo Tomas at National University na magkatabla sa fourth place.

Magkatabla ang Growling Tigers at Bulldogs sa magkatulad nilang 7 points.

Humakot ang Ateneo ng maximum na 18 points kasunod ang mga second placers na University of the Philippines (15 points) at FEU (15 points) mula sa pagbibida nina Gayoso, rookies Sam Lim at Enzo Ceniza.

Sina Lim at Ceniza ay parehong may tig-tatlong goals ngayong season.

Matapos namang magtala ng limang panalo ay nakalasap ang Tamaraws ng 1-1 draw sa University of the East Red Warriors noong Linggo.

Sina Rico Andes at Val Jurao, may pinagsamang limang goals, katuwang si Paolo Bugas ang babandera sa FEU ni coach Vince Santos.

vuukle comment

BLUE EAGLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with