^

PM Sports

Baby Tams tangkaang UAAP Jrs. title

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sisikapin ng Far Eastern University-Diliman na tapusin ang National U ngayon para makopo ang kanilang unang titulo matapos ang apat na taon sa Game 2 ng UAAP Season 79 juniors basketball championship sa Filoil Flying V Centre.

Ang laro ay nakatakda sa alas-2:00 ng hapon.

Nahugot ng Baby Tamaraws ang 66-65 panalo sa Bullpups noong Martes ngunit sinabi ni FEU-Diliman coach Allan Albano na ang mahirap gawin ay ang tapusin ang serye.

Matapos malamangan sa kaagahan ng laro, nakarekober ang FEU-Diliman ngunit nanahimik ng limang minuto kaya nakabalik pa ang NU gayunpaman ay kinapos sa huli.

Sisikapin ng Baby Tamaraws na malimitahan ang pambato ng NU na si John Lloyd Clemente na humakot ng 25 points sa Game One at pigilan sina Rhayyan Amsali at Karl Peñano sa shaded lane.

 Si Gonzales ay may double-double effort sa kanyang 10 rebounds at 10 assists sa Game 1. 

Optimistiko naman si NU mentor Jeff Napa na maipupuwersa nila ang Game 3 sa Lunes.

Samantala, kikila-lanin ngayon ang mga individual awardees sa pangunguna nina MVP Juan Gomez de Liaño ng UP Integrated School at Rookie of the Year Kai Sotto ng Ateneo bago ang laban.  

vuukle comment

UAAP SEASON 79

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with