^

PM Sports

Davis nagbida sa panalo ng West All Stars

Pang-masa
Davis nagbida sa panalo  ng West All Stars
Itinaas ni Anthony Davis ng New Orleans Pelicans ang kanyang NBA All-Star game MVP trophy.

NEW ORLEANS - Nagpasikat si Anthony Davis ng New Orleans Pelicans samantalang nagkaroon naman ng drama sa pagitan ng dating magkakampi sa Oklahoma City Thunder na sina Russell Westbrook at Kevin Durant.

Nagposte ng bagong record si Davis para sa pinakamaraming iniskor sa isang NBA All Star Game matapos humataw ng 52 points sa 192-182 panalo ng West laban sa East.

Tinapos ng New Orleans forward ang laro sa double-double sa idinagdag na 10 rebounds para sa ikatlong sunod na pananaig ng West laban sa East sa midseason spectacle na ito.

Dahil dito ay hinirang si Davis bilang All-Star Most Valuable Player.

Nauna nang tumipa si Wilt Chamberlain ng 42 points noong 1962 NBA All-Star Game.

Tumapos naman si Westbrook na may 41 markers sa isang All Star game sa ikalawang sunod na pagkakataon mula sa kanyang 16-for-26 fieldgoal shooting, kasama dito ang 7-of-13 sa three-point line.

Nag-ambag sina Durant at Stephen Curry ng Golden State Warriors ng tig-21 points para sa Western All Stars.

Nagkaroon ng drama sa hardcourt nang sabay na tumakbo sa magkabilang gilid ng court ang dating magkakamping sina Westbrook at Durant.

Ipinasa ni Westbrook ang bola kay Durant sa kaliwa at ibinalik ito ni Durant kay Westbrook sa isang give-and-go na nagresulta sa isang dunk ng Oklahoma City star guard para sa 31-28 bentahe ng West.

Kinuha ng East ang 53-48 abante sa first period na isang All-Star Game record para sa pinagsamang puntos sa isang yugto.

Inagaw naman ng West ang 97-92 kalamangan sa halftime.

Kumolekta si first-time All Star Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks ng 30 points mula sa 14-of -17 shooting para pangunahan ang East.

Nagdagdag ng 23 points si LeBron James ng Cleveland Cavaliers buhat sa kanyang 10-for-17 shooting.

vuukle comment

DAVIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with