Magandang pagtatapos ng Mahindra
MANILA, Philippines - Sa labanan ng dalawang sibak nang koponan, ang magandang pagtatapos na lamang ng kanilang kampanya sa torneo ang habol nila.
Winakasan ng Mahindra ang kanilang dalawang sunod na kamalasan matapos talunin ang NLEX, 106-96, tampok ang muntik nang triple-double ni Allex Mallari sa 2017 PBA Philippine Cup kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Tumapos si Mallari na may 30 points, 10 rebounds at 9 assists para sa 3-7 baraha ng Floodbuster katabla ang talsik na ding Meralco Bolts, habang nagdagdag si Reden Celda ng 18 markers.
“I wanna deflect all credit to my players. They really played for each other. I told them to dedicate this game for Russel (Escoto). I hope his injury is not severe,” sabi ni coach Chris Gavina.
Nagkaroon si Escoto, miyembro ng Gilas Pilipinas training pool, ng hyper extened left knee sa huling 23 segundo ng second period kung saan tangan ng Mahindra ang 11-point lead, 57-46 laban sa NLEX.
Nalasap naman ng Road Warriors ang kanilang pangatlong sunod na kamalasan para sa 2-8 marka.
Naagaw ng Road Warriors ang kalamangan sa 81-77 sa kaagahan ng final canto kasunod ang pinakawalang 14-1 atake ng Floodbuster para ilista ang 91-82 bentahe sa huling anim na minuto ng laro.
MAHINDRA 106 - Mallari 30, Celda 18, Escoto 12, Galanza 11, Apinan 10, Revilla 9, Deutchman 6, Ballesteros 5, Paniamogan 3, Eriobu 2, Yee 0, Elorde 0, Teng 0, Salva 0.
NLEX 96 - Camson 17, Guinto 13, Baracael 10, Khobuntin 9, Lastimosa 9, Alas 8, Rios 6, J. Villanueva 6, Monfort 5, Lanete 4, Taulava 4, Soyud 2, Gotladera 2, E. Villanueva 1.
Quarterscores: 22-27; 57-49; 77-77; 106-96.
- Latest