^

PM Sports

Altas nakalapit sa Final Four ng NCAA volley

PERSPECTIVE - Pang-masa

MANILA, Philippines - Umabot sa limang sets bago nalusutan ng nagdedepensang University of Perpetual Help Altas ang Lyceum of the Philippines Pirates, 25-16, 14-25, 22-25, 25-21, 15-9 sa men’s division ng 92nd NCAA volleyball tournament noong Biyernes na ginanap sa FilOil Flying V Arena ng San Juan City.

Humataw ang magkapatid na sina Relan at Rey Taneo Jr. para masungkit ng Altas ang ikaanim panalo sa pitong laban palapit sa Final Four.

Umakyat ang Perpetual sa solo second spot sa likuran ng unang semifina-list na College of St. Benilde Blazers na may hawak na 7-1 win-loss kartada. 

Kabuuang 17 points kabilang ang 16 attacks ang binitiwan ni Rey, habang si Relan ay umani rin ng 16 excellent sets upang tumuntong ang Las Piñas-based team sa playoff ng huling semifinal slot.

Kailangan na lamang ng Altas ng isa pang panalo sa huli nilang dalawang laro para muling umusad ang tropa ni coach Sammy Acaylar sa Final Four.

Haharapin ng Perpetual ang Jose Rizal Heavy Bombers (1-6) sa Enero 20 at ang Arellano University Chiefs (5-2) sa Enero 25.

Bukod sa magkapatid na Taneo ay nag-ambag din si Esmail Kasim ng 13 points at nagtala sina skipper Manuel Doliente at Allan Jay Sala-an ng tig-11 points bawat isa para sa reigning men’s reigning titlist.

Sa juniors division, bumawi naman ang LPU Junior Pirates sa pamamagitan ng kanilang 19-25, 20-25, 25-22, 26-24, 15-12 panalo kontra sa nagdedepensang Perpetual Help Altalettes

Bagama’t natalo ay may tsansa pa rin ang Pirates sa Final Four. (FCagape)

 

vuukle comment

ALTAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with