^

PM Sports

Ateneo vs La Salle

Pang-masa

Isa na namang titular showdown ng magkaribal

MANILA, Philippines – Inungusan ng Ateneo Blue Eagles ang defending champion Far Eastern University sa iskor na 69-68 para makapasok sa Finals sa unang overtime game ng UAAP Season 79 men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum kahapon.

Nanguna sa panalo ng Blue Eagles si rookie center Isaac Go na nagtala ng double-double na 12 puntos kabilang dito ang go-ahead basket sa 1:24 minuto ng overtime dagdag ang kanyang 14 na rebounds at dalawang blocks.

Naihatid ng FEU ang laban sa overtime matapos habulin ang 62-58 na abante ng Ateneo sa huling tatlong minuto ng fourth quarter at maitabla ang iskor sa 66.

Nagkaroon pa ng tsansa ang Ateneo na maipanalo ang laro,  subalit naimintis ni Thirdy Ravena ang kanyang lay-up sa kanang bahagi ng baseline.

Ang follow-up ni Go sa ika-1:24 minuto ng overtime ang nag-iisang field goal ng Blue Eagles na gaya rin sa Tamaraws.

Matapos ito ay hindi sinasadyang matamaan si Go sa mukha ng siko ni Tamaraws center Prince Orizu sa isang rebound play na naging dahilan para pansamantalang ilabas siya sa laro dahil sa pagdurugo ng kanyang ilong.

“I knew that I needed to stay on the floor,” pahayag ni Go. “At that time you have to set it all aside. When the game is on the line you have to play.”

Nagkaroon pa ng tsansa ang Tamaraws na manalo, ngunit hindi naipasok ni Dennison ang kanyang tira sa oras, mula sa pasa ng kanyang kapwa graduating player na si Raymar Jose.

Nag-ambag din ng tig-13 puntos sina Thirdy Ravena at Mike Nieto para sa Blue Eagles na muling nakausad sa Finals ng UAAP matapos ang huli nilang kampeonato noong 2012.

Binigyang papuri naman ni Ateneo head coach Tab Baldwin ang FEU sa kanilang ipinakitang laban.

“My heart goes out to coach Nash, what an outstanding coach he is,” pahayag ni Baldwin. “Just all my congratulations and full credit to the Tamaraws tremendous opponent. I don’t think anybody deserved to lose today.

Samantala, matapos ang anim na taon, nagpasa ng letter of resignation si Eric Altamirano,  ang spoken coach na nag-ahon sa National University mula sa pagiging ‘whipping boy’ patungo sa pagiging contenders bago niya ito naihatid sa UAAP championship noong 2014. FML

vuukle comment

ATENEO BLUE EAGLES

FAR EASTERN UNIVERSITY

UAAP SEASON 79

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with