^

PM Sports

Belo at Banal hindi pinakawalan ng Elite

Russell Cadayona - Pang-masa
Belo at Banal hindi pinakawalan ng Elite
Mac Belo at Raphael Banal

MANILA, Philippines – Habang pinormalisa ng Blackwater ang pagkuha kay Mac Belo ng Gilas Pilipinas sa isang ‘pre-determined’ draft ay hinugot naman nila si guard Raphael Banal bilang No. 1 overall pick sa 2016 PBA Rookie Draft kahapon sa Robin-son’s Place sa Ermita, Manila.

Bago ang regular draft ay pumili na ang 12 PBA teams ng kani-lang mga players mula sa Gilas Pilipinas.

Maliban kay Belo, ang iba pang kinuha sa ‘special draft’ ay sina Kevin Ferrer (Ginebra), Jio Jalalon (Star), Roger Pogoy (TNT Katropa), Arnold Van Opstal (San Miguel), Mike Tolomia (Rain or Shine), Matthew Wright (Phoenix), Fons Gotladera (NLEX), Ed Daquioag (Meralco), Russel Esco-to (Mahindra), Von Pessumal (Globalport) at Carl Bryan Cruz (Alaska).

Inaasahang makaka-tuwang nina Belo at Banal, anak ni dating PBA coach Joel Banal, sa kampanya ng Elite sa darating na PBA season si sophomore big guard Arthur Dela Cruz.

Ang 6’1 ay nag-laro para sa Ateneo sa UAAP high school at sa Mapua Cardinals sa NCAA season bago nagtungo sa US.

Naging impresibo ang 23-anyos na si Banal sa two-day PBA Draft Combine.

Sa regular draft ay hinirang ng Phoenix bilang No. 2 selection si guard Gelo Alolino, naging susi sa paghahari ng National University sa UAAP noong 2014.

Kumuha naman ng mga big man ang Gin Kings sa katauhan nina  6’5 Jammer Jamito (No. 3) ng St. Clare College at dating practice player na si 6’11 Jericho De Guzman (No. 10 pick).

Ang iba pang nahugot sa first round ay sina dating Mapua forward Joseph Eriobu (No. 4, Mahindra), dating University of the East slotman Chris Javier (No. 5, Star), Fil-Am Rashawn McCarthy (No. 6, San Miguel), Jonathan Grey (No. 7, Star), Reden Celda (No. 8, NLEX).

 

vuukle comment

PBA ROOKIE DRAFT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with