^

PM Sports

Radio Active babantayan sa 2nd leg ng Triple Crown

Rhodina Villanueva - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ang kampeon sa unang leg ng Triple Crown Stakes race na Radio Active ang siyang magiging  mainit na paborito sa second leg na itatakbo sa Hun-yo 11  sa karerahan ng Metro Turf sa Malvar-Tanauan, Batangas.

Ang Radio Active ay nominado sa ikalawang yugto ng prestihiyosong pakarera ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

Nasungkit ng Radio Active ang first leg sa bilis na 1:41 tiyempo sa isang milya.

Ang ikalawang leg ay nasa distansiyang 1,800 meters kaya pinaniniwalaan na mas papabor ito sa pambato ng Santa Clara Stockfarm dahil kinakitaan na ng matulis na pagremate sa 1,600 meters pa lang.

Nominado rin sa second leg ang Dewey Boulevard, He He He, Indianpana, Underwood, Space Needle, Spectrum, Subterranean River  at Guatemala na siya namang kampeon sa first leg ng Hopeful Stakes race.

Tumataginting na P3,000,000 ang papremyo rito na ang P1.8-milyong ay mapupunta sa kampeon. P675,000 naman sa runner-up; P375,000 sa ikatlo at P150,000 sa ikaapat. Ang breeder’s purse ay P100,000.

Susubok naman para sa hopefuls ang Homonhon Island, Mount Iglit, Pinagtipunan, Pinay Pharaoh, Secret Kingdom, Striking Colors at Tagapagmana.

Isang milyong piso ang papremyo rito na ang kampeon ay P600,000; sa runner-up ay P225,000; sa third placer ay P125,000; sa fourth ay P50,000. Ang breeder’s purse ay P30,000.

Sa karera para sa three year old locally bred ay maglalaban-laban ang Garlimax, Pangarap, Play It Same at Real Flames.

May P500,000 ang papremyo na ang kampeon ay tatanggap ng P300,000; sa runner-up ay P112,5000; sa ikatlo ay 62,500 at sa pang-apat ay P25,000. May breeder’s purse na P15,000.

vuukle comment

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

PHILIPPINE EAGLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with