^

PM Sports

Ginebra Gin Kings susuporta sa BGSM 3-on-3 National Championships

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bibisita ang mga miyembro ng Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings para suportahan ang mga kasali sa kauna-unahang Barangay Ginebra San Miguel 3- on-3 National Championships na didribol ngayon sa SM North Edsa Sky Dome, Quezon City.

Ang Gin Kings, naghahanda para sa darating na 2016 PBA Governors’ Cup, ay makakahalubilo ng mga fans sa finals na magsisimula sa alas-10 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Ang naturang torneo ay libre para sa lahat.

Ang 16 koponan ay galing sa mga probinsiya ng Bulacan, Laguna, Tarlac, Quezon, Pampanga, Cavite, Cebu, Rizal, Davao, Bacolod at Pangasinan, at mga lungsod ng Pasig, Las Piñas, Quezon, Pasay at Mandaluyong.

Ang magkakampeon ay makakatanggap ng cash prize na nagkakahalaga ng P50,000 at ang runner-up ay mag-uuwi naman ng P20,000.

Ang programang ito ng Ginebra San Miguel Inc. (GSMI) ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga mahihilig sa basketball na maipamalas ang kanilang galing at pagmamahal sa sport at matutunan na rin ang teamwork at sportsmanship.

Ang GSMI ay manufacturer ng No. 1 gin sa buong mundo, ang Ginebra San Miguel.

vuukle comment

RYZZA MAE DIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with