^

PM Sports

Alora, Lariba, may gustong patunayan sa Rio Olympics

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ang gintong medalya sa Olympic Games ay may katapat na insentibong P10 milyon.

Aminado sina taekwodo jin Kirstie Elaine Alora at table tennis entry Ian Lariba na napakalaking halaga nito sa panahon ngayon, ngunit mas mahalaga pa rin para sa kanila ang maipakita ang husay ng mga Pinoy sa buong mundo.

“Parang extra recognition lang para sa amin ‘yong incentive, pero ang mas mahalaga sa amin ay ang maipakita sa buong mundo kung ano ang kaya nating gawin,” sabi ni Alora kahapon sa PSA Forum sa Shakey’s Malate.

Sa ilalim ng batas, ang atletang makakapag-uwi ng gold medal mula sa Olympics ay bibigyan ng cash incentive na P10 mil-yon, habang ang silver at bronze medalists ay bibigyan ng P5 milyon at P2 milyon, ayon sa pagkakasunod.

Wala pang Filipino athlete na nakakakuha ng gold medal sa Olympic Games kung saan ang pinakamalapit ay ang silver medal ni light flyweight Mansueto ‘Onyok’ Velasco noong 1986 Atlanta Games.

Umaasa ang Boxing Alliances of the Philippines (ABAP) na papayag si dating Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao na sumabak sa Olympics matapos ipanukala ng AIBA ang paglahok ng mga professional boxers.

Sinabi ng 37-anyos na si Pacquiao, naihalal na Senador, na hihingin muna niya ang sentimiyento ng kanyang mga kababayan bago magdesisyon kaugnay sa pagsali niya sa Olympics.

“Siyempre, mas mahalaga ‘yung maibigay mo ang first Olympic gold medal,” wika ng 21-anyos na si Lariba. “Ang incentive is an added motivation for us athletes. Pero hindi lang naman ako maglalaro para diyan kundi para sa bansa natin.”

Ang 2016 Olympic Games ay gagawin sa Rio de Janeiro, Brazil sa Agosto 5-21.

Bukod kina Alora at Lariba, ang iba pang nakakuha ng tiket para sa Rio Olympics ay sina boxers Rogen Ladon at Charly Suarez, Fil-Am trackstar Eric Cray, long jump specialist Marestella Torres at lady weightlifter Hidilyn Diaz.

May ilan pang Filipino athletes na naghahangad na makakuha ng Olympic slot sa boxing, golf, swimming, weightlifting at basketball.

“The last qualifying event for boxing ends on June 30, the cut-off for golf is on July11, and the basketball (world) qualifiers will begin on July 5. Other sports also have qualifiers until June 30,” sabi ni Philippine Olympic first vice-president Joey Romasanta, ang tata-yong Chef De Mission ng delegasyon sa Rio Olympics.

Ang final deadline para sa pagsusumite ng entries by name ay sa July 18.

vuukle comment

BAGONG ALYANSANG MAKABAYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with