^

PM Sports

Ika-3 sunod na panalo tangka ng Caida

Pang-masa

MANILA, Philippines – Pupuntiryahin ng Caida ang kanilang pa-ngatlong sunod na panalo sa pagsagupa sa Wangs Basketball sa elimination round ng 2016 PBA D-League Aspirants’ Cup.

Bagama’t nangangapa pa rin sa isa’t isa, naipaparada naman ni coach Caloy Garcia ang isang 12-man deep squad na nagresulta sa 103-84 panalo ng Tile Masters laban sa AMA University noong nakaraang Martes.

Limitadong oras lamang ang ibinigay ni Garcia kina Jiovani Jalalon at Rey Nambatac sa naturang panalo.

“Gusto ko lahat ng players nakakapaglaro. In the long run, you have to use those players, and it’s just going to be an advantage on our part,” paliwanag ni Garcia.

Lalabanan ng Caida ang Wangs Basketball ngayong alas-4 ng hapon sa San Juan Arena.

Nanggaling ang Couriers sa 97-88 overtime win laban sa Mindanao noong Huwebes.

Sa unang laro sa alas-2 ay magtutuos ang Phoenix Petroleum-FEU (1-0) at AMA University (0-1).

vuukle comment

ACIRC

CAIDA

CALOY GARCIA

D-LEAGUE ASPIRANTS

GARCIA

JIOVANI JALALON

PHOENIX PETROLEUM

REY NAMBATAC

SAN JUAN ARENA

TILE MASTERS

WANGS BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with