^

PM Sports

Warriors binuhay ni Thompson

Pang-masa

NEW YORK – Ginising ni Klay Thompson ang Golden State Warriors mula sa pinakamalamya nilang panimula sa season matapos umiskor ng 17 sa kanyang 34 points sa second quarter, habang dinuplika ni Draymond Green ang franchise record sa kanyang ika-siyam na triple-double para gibain ang New York Knicks, 116-95.

Ito ang pang-pitong sunod na ratsada ng Warriors.

Isinalpak ni Green ang lahat ng kanyang siyam na tira para itaas ang baraha ng Warriors sa 44-4, habang nagdagdag naman ng 13 points si Stephen Curry na nagkaroon ng putok sa kanyang noo.

Tumapos si Green na may 20 points, 10 rebounds at 10 assists para sa Warriors, nalimitahan sa season-low 18 points sa first quarter.

Pinantayan ni Green, nangunguna sa NBA sa pagpoposte ng triple-doubles, ang siyam na triple-double ni Hall of Famer Tom Gola na naitala noong 1959-60 season.

Nagtala si Carmelo Anthony ng 24 points at 10 rebounds sa panig ng Knicks, naipatalo ang lima sa kanilang anim na laro.

Sa Los Angeles, tumipa sina Marvin Williams at Michael Kidd-Gilchrist ng tig-19 points at tig-12 rebounds para akayin ang Charlotte Hornets sa 101-82 panalo laban sa Los Angeles Lakers.

Ipinalasap ng Hornets sa Lakers ang franchise record-tying nitong ika-10 sunod na kamalasan.

Umiskor si Kobe Bryant ng 23 points sa loob ng 23 minuto, ngunit napantayan pa rin ng Lakers ang nangyari noong 1994 sa kanilang ika-10 dikit na kabiguan sa 16-time NBA champion franchise history.

Nahulog ang Los Angeles sa 9-41.

Sa Portland, kumamada sina CJ McCollum at Damian Lillard ng tig-21 points para igiya ang Trail Blazers sa 96-93 panalo laban sa Minnesota Timberwolves.

Ito ang ika-11 sunod na road loss ng Wolves.

Pinalawig naman ng Trail Blazers ang kanilang ratsada sa apat at may 3-0 record laban sa Timberwolves nga-yong season.

Tumapos si Karl-Anthony Towns, contender para sa Rookie of the Year, na may 21 points at 13 rebounds sa panig ng Timberwolves para sa kanyang ika-25 double-double sa season.

vuukle comment

ANG

CARMELO ANTHONY

CHARLOTTE HORNETS

DAMIAN LILLARD

DRAYMOND GREEN

GOLDEN STATE WARRIORS

HALL OF FAMER TOM GOLA

ITO

KARL-ANTHONY TOWNS

POINTS

TRAIL BLAZERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with