^

PM Sports

Tenorio, okay na okay kay Baldwin sa Ateneo

Pang-masa

MANILA, Philippines – Nang malaman ni Barangay Ginebra point guard LA Tenorio na kinuha ng Ateneo Blue Eagles bilang bagong head coach si Gilas Pilipinas mentor Tab Baldwin ay hindi niya naitago ang kanyang kasiyahan.

Sinabi ni Tenorio na malaki ang maitutulong ni Baldwin para sa kampanya ng Blue Eagles sa susunod na 79th UAAP men’s basketball tournament.

“Magandang pagkakataon sa Ateneo na under coach Tab,” sabi ni Tenorio sa panayam ng ABS-CBN News. “For sure, mas magiging maganda ang kalalagyan ng Ateneo with coach Tab as the head coach.”

Iniluklok ng Ateneo si Baldwin bilang kapalit ni Bo Perasol na nabigong akayin ang Katipunan-based team sa UAAP Finals matapos sibakin ng nagkampeong Far Eastern University sa Final Four.

Ngunit pinalagan ito ng Basketball Coaches Association of the Philippines na pinamumunuan ni Barangay Ginebra governor Alfrancis Chua.

Hiniling ni Chua sa Ateneo na hanapan ng solusyon ang isyu sa pagiging coach ni Baldwin sa Blue Eagles dahil hindi pinapayagan ng BCAP ang mga foreigners na tumayong bench tactician sa collegiate, amateur at professional leagues.

Nagbida si Tenorio sa pagdagit ng Blue Eagles sa UAAP championship noong 2002 at naging bahagi ng national team na sumabak noong 2013 FIBA Asia Championship at sa 2014 FIBA World Cup.

Ngunit hindi siya nag-laro sa ilalim ni Baldwin sa Gilas Pilipinas squad na kumampanya sa 2015 FIBA Asia Championship.

Kumpiyansa si Tenorio na matutulungan ni Baldwin ang Ateneo na makabangon mula sa pagiging third-placer sa nakaraang UAAP Season 78.

“I’m sure, maraming plano si coach Tab for the team, and I’m excited to see how the Ateneo team will evolve with coach Tab,” sabi ni Tenorio kay Baldwin.

vuukle comment

ACIRC

ALFRANCIS CHUA

ANG

ASIA CHAMPIONSHIP

ATENEO

ATENEO BLUE EAGLES

BALDWIN

BARANGAY GINEBRA

BLUE EAGLES

GILAS PILIPINAS

TENORIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with