^

PM Sports

2-araw na pakarera na MARHO lalarga na

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sisimulan ngayon ang dalawang araw na pista na itataguyod ng Metropolitan Association of Race Horse Owners  sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Nasa 12 karera na paglalabanan at 10 rito  ay mga MARHO special trophy races at ang mananalo na isang kasapi ng MARHO ay may P100,000.00 prem-yo habang P50,000.00 kung hindi miyembro.

Makakadaragdag saya sa bayang-karerista ang P500,000.00 added prize sa first set ng Winner Take All para lumaki ang paglalabanang dibidendo.

Tiyak na magiging mahirap ang pagkuha ng tamang kombinasyon dahil sa balansiyado ang programang nakahanay sa dalawang araw na pista.

Bukas ang tampok na selebrasyon at limang MARHO stakes races ang magpapakinang sa selebrasyon.

Tampok na k arera  ay ang Classic na gagawin sa 2,000-metro distansya at mangunguna sa kasali ay ang Hagdang Bato.

Ang iba pang kalahok ay ang Kanlaon, King Bull, Hot And Spicy, Biseng Bise, Manalig Ka at Marinx.

Ang iba pang stakes races ay ang 3YO Mile race, Juvenile Colts at Fillies at Sprint Stakes races.

Magsusukatan sa Mile Race ang Gentle Strength, Hook Shot, Sky Hook, Super Spicy at Shintaro’s Speed habang ang maglalaban sa colts ay ang Bite My Dust, Dewey Boulevard, Lucky Toni,. Stark at Underwood.

Ang mga kasali sa fillies ay ang Bowties And Charm, Incomparable, Port Angeles, Real Flames at This Time habang ang Sprint ay sasalihan ng Barcelona, Cat’s Silver, Ik Hou Van Jou, Nemesis at Never Cease.

vuukle comment

ANG

BISENG BISE

BITE MY DUST

BOWTIES AND CHARM

DEWEY BOULEVARD

GENTLE STRENGTH

HAGDANG BATO

HOOK SHOT

HOT AND SPICY

IK HOU VAN JOU

JUVENILE COLTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with