^

PM Sports

Lady Troopers inangkin ang unang tiket sa semifinal round

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinolo ng Army La­dy Troopers ang liderato sa anim na koponang Shakey’s V-League Season 12 Reinforced Conference matapos hiritan ang Navy Lady Sailors ng 25-14, 25-17, 25-14 straight sets win no­ong Sabado ng gabi sa The Arena sa San Juan City.

Sina Honey Royse Tu­­bino at Jovelyn Gonzaga ay naghatid ng 18 at 15 puntos at nagsanib sila sa 23 kills na kapos lamang ng isa sa kabu­uang 24 attack points ng Lady Sailors.

Nagtala pa ng 10 digs si Gonzaga, habang si Sa­­rah Jane Gonzales ang gi­namit bilang setter at nag­hatid siya ng 21 ex­cel­lent sets.

Ito na ang ikatlong su­­nod na panalo ng La­dy Troopers para puma­sok sa semifinals sa li­­gang inor­ganisa ng Sports Vision katuwang ang Sha­key’s at handog ng PLDT Home Ultera.

Nakapuwesto na sa Final Four ang Army da­­hil hanggang da­­la­wang panalo na la­mang ang pinakama­gandang pag­­tatapos na pu­wedeng ma­­kuha ng Coast Guard Lady Dolphins (1-3) at Kia Forte (0-3).

Natalo ang Navy sa ikalawang pagkakataon ma­tapos ang apat na la­ro at masasabing wala sa kon­disyon ang mga La­dy Sailors dahil sa ma­lam­yang ipinakita.

Isang block lamang ang nagawa ng Navy sa kabuuan ng laro at wa­la rin silang service ace.

May 21 errors din ang Lady Sailors, habang ang Lady Troopers ay nagkaroon ng tig-wa­long blocks at aces.

Si Pau Soriano ay may siyam na puntos pa­ra pangunahan ang ka­biguan ng Navy.

Kailangan ng Lady Troopers na maipanalo ang kanilang huling laro la­ban sa PLDT Home Ultera Fast Lady Hitters upang makaiwas sa anumang kompli­kasyon sa planong pag-abante sa Final Four.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARMY LA

COAST GUARD LADY DOLPHINS

FINAL FOUR

HOME ULTERA

HOME ULTERA FAST LADY HITTERS

JANE GONZALES

LADY SAILORS

LADY TROOPERS

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with