^

PM Sports

Ayo hangad ang korona para sa Letran Knights

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kahit sinong coach ay nangangarap na ma­­ka­sikwat ng korona sa NCAA.

Isa na rito si Letran College rookie mentor Al­din Ayo.

“Of course, I will lie to you if I say we’re not thinking of winning the NCAA championship,” sa­bi ni Ayo matapos si­ba­kin ng Knights ang Per­petual Help Altas, 93-64, at angkinin ang ika­lawang ‘twice-to-beat’ incentive sa Final Four ng 91st NCAA men’s basketball tournament noong nakaraang Bi­­yernes.

Walang naniwala sa Knights na makakapasok sila sa Final Four nga­yong season matapos mapatalsik noong na­karaang taon.

Ito ay dahil sa maliit nilang line-up na nag­re­sulta sa pagtatapos ni­la sa ikaanim na puwesto noong nakaraang season.

Matapos patalsikin ang Perpetual ay lalaba­nan naman ng Letran ang five-peat champions na San Beda sa Martes para sa kanilang agawan sa No. 1 seat sa Final Four.

Sa Final Four ay ha­ha­wak ang No. 1 at No. 2 teams ng ‘twice-to-beat’ advantage kontra sa No. 4 at No. 3, ayon sa pagkakasunod.

Bago talunin ang Al­tas ay yumukod muna ang Knights sa Red Lions, 73-77, noong Mar­tes sa kanilang ika­la­wang pagkikita sa eli­minasyon.

Nauna nang binigo ng Letran ang San Beda sa una nilang pagtutuos sa first round, 93-80.

“We will fight them, ka­hit tumbang preso o pa­tintero pa ‘yan,” sabi ni Ayo sa pagsagupa ng Knights sa Red Lions.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYO

FINAL FOUR

HELP ALTAS

LETRAN

LETRAN COLLEGE

RED LIONS

SA FINAL FOUR

SAN BEDA

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with