^

PM Sports

Tigers at Green Archers magtutuos ngayon Warriors at Maroons bumangon sa kamalasan

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kapwa winakasan ng University of the East at ng University of the Phi­lippines ang kani-kanilang mga kamalasan.

Bumangon ang Red Warriors mula sa 10-point de­ficit sa second period para balikan ang nagdedepensang National University Bulldogs, 52-47, sa 78th UAAP men’s basket­ball tournament kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Matapos kunin ng NU ang 26-16 abante sa se­cond quarter ay tumabla naman ang UE sa 34-34 sa 3:24 minuto ng third pe­riod.

Isang 13-7 atake ang gi­nawa ng Red Warriors para iwanan ang Bulldogs sa 47-40 sa 2:59 minuto ng final canto tampok ang basket ni Chistopher Ja­vier.

Huling nakadikit ang NU sa 45-49 galing sa jum­per ni Gelo Alolino ka­sunod ang dalawang free throws ni Edgar Char­cos sa natitirang 0.3 se­gundo para sa UE.

Nagbalik namang mu­li ang sigla sa laro ng UP nang gantihan ang Adamson, 89-84, sa unang bakbakan.

Naisantabi ng nasa­bing panalo ng Fighting Ma­roons ang 68-73 pagkatalo sa Falcons noong nakaraang Linggo para pu­tulin ang limang sunod na kamalasan matapos ang 2-0 panimula.

Nagising ang opensa ni Henry Asilum sa tinapos na 19 puntos mula sa 6-of-11 shooting, habang sina Jet Manuel, Diego Dario at Agustin Amar ay may 16, 14 at 13 puntos, ayon sa pagkakasunod.

May tatlong panalo na ang UP ang pinakamataas sa huling limang taon da­hil apat lamang ang pi­nagsamang panalo ng Maroons mula 2010.

Huling nakatikim ng pa­nalo ang UP noong Set­yembre 9 laban sa La Salle.

Ang kartada ng Falcons ay buma­ba sa 1-7.

UP 89 - Asilum 19, Manuel 16, Dario 14, Amar 13, Desiderio 8, Longa 8, Juruena 7, Moralde 2, Harris 2, Kone 0, Jaboneta 0, Vito 0, Lim 0.

Adamson 84 - Sarr 18, Garcia 12, Margallo 11, Nalos 8, Ng 8, Capote 7, Tungcab 5, Garcia 5, Escalambre 5, Polican 3, Ochea 2, Camacho 0.

Quarterscores: 19-16; 44-36; 68-56; 89-84.

UE 52 - Javier 16, P. Varilla 10, Abanto 7, Charcos 4, De Leon 4, Palma 4, Batiller 3, Gagate 2, J. Varilla 2, Derige 0, Manalang 0, Penuela 0, Sta. Ana 0, Yu 0.

NU 47 - Aroga 11, Ney­pes 9, Diputado 8, Alolino 6, Celda 4, Salim 4, Alejandro 3, Tansingco 2, Abatayo 0, Javelona 0, Javillonar 0, Yu 0.

Quarterscores: 8-12; 21-28; 37-36; 52-47.

vuukle comment

ACIRC

ADAMSON

AGUSTIN AMAR

ANG

CHISTOPHER JA

DE LEON

DIEGO DARIO

EDGAR CHAR

RED WARRIORS

SHY

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with