^

PM Sports

Tamaraws sinuwag ang 5th win

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nangapa man sa ka­nilang dating porma, sina Michael Tolomia, Roger Pogoy at Mac Belo pa rin ang sinandalan ng FEU Tamaraws para hindi mangyari ang upset na ha­tid ng Adamson Falcons nang kunin ang dikitang 64-60 panalo sa 78th UAAP men’s basketball ka­gabi sa Smart Araneta Co­liseum.

Naipasok ni Tolomia ang go-ahead triple bago sina Pogoy at Belo ay ku­mana ng apat na sunod na free throws upang mapalambot ang naunang matikas na paglalaro ng Falcons para manumbalik sa solo liderato sa 5-1 ba­raha.

Bago ang krusyal na tres ni Tolomia ay sablay ang naunang limang attempts sa nasabing linya.

Tumapos pa rin si To­lomia taglay ang 10 pun­tos (2-of-8 shooting) katulad ni Mac Belo, habang si Russel Escoto ay mayroong 11 puntos.

Gumawa pa si Pogoy ng 9 puntos pero ang kanyang depensa laban kay Joseph Nalos na nagtala ng passing error ang tulu­yang nagpabago sa mo­men­tum ng labanan.

“Nag-struggle man si Mike, confident naman ako sa tira niya,” wika ni FEU coach Nash Racela.

Inilista ni Falcons import Pape Sarr ang kauna-unahang 20-20 game sa liga sa ibinagsak na 26 puntos at 22 boards ngunit kapos pa rin ito para sa ika­anim na sunod na kabiguan ng Adamson.

Kinolekta ng La Salle Green Archers ang panga­lawang sunod na panalo sa pamamagitan ng 71-64 panalo sa UE Red Warriors sa unang laro.

Ikinasa ni Andrei Caracut at Larry Muyang ang career-highs 16 at 11 puntos at ang huli ay mayroon pang 11 rebounds, habang si Jeron Teng ay mayroon pang 16 puntos upang tumabla ang koponan sa karibal na Ateneo Blue Eagles sa ikatlo at apat na puwesto.

May 11 puntos si Caracut sa ikaapat na yugto para tuluyang ang Green Archers na hawakan ang 58-41 upang ipatikim sa Red Warrriors ang ikaapat na kabiguan matapos ang anim na laro.

Si Nick Abanto ay may­roon ding career-high 14 puntos.

 

vuukle comment

ACIRC

ADAMSON FALCONS

ANDREI CARACUT

ANG

ATENEO BLUE EAGLES

GREEN ARCHERS

JERON TENG

JOSEPH NALOS

LA SALLE GREEN ARCHERS

MAC BELO

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with