^

PM Sports

Williams, Fonacier, Carey muling pinapirma ng Tropang Texters

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos papirmahin ng kontrata sina top draft picks Fil-Tongan Moala Tautuaa at Jeth Troy Rosario ay isinunod naman ng Talk ‘N Text ang kanilang tatlong beterano na nakatulong sa kanilang championship run.

Muling pinalagda ng panibagong kontrata sina PBA Most Valuable Player Kelly Williams, shooter Larry Fonacier at power forward Harvey Carey.

Ang naturang aksyon ay bilang paghahanda ng Tropang Texters ni coach Jong Uichico sa darating na 41st season ng PBA.

Magbubukas ang PBA season sa Oktubre 18 sa Smart Araneta Coliseum.

Hindi ibinunyag ng Talk ‘N Text, nagkampeon sa nakaraang PBA Com­mis­sioner’s Cup, ang mga detalye ng naturang mga kontrata nina Williams, Fonacier at Ca­rey.

Sinabi ni team manager Virgil Villavicencio na humingi lamang ang 6-foot-5 na si Williams ng one-year contract.

Ito ay dahil sa pagka­karoon niya ng injury ha­bang nag-eensayo pa­ra sa Gilas Pilipinas trai­ning pool noong Agosto 3.

Nagkaroon ang 33-anyos na tubong Detroit, Michigan ng MCL strain, ngunit hindi na na­ngangailan ng surge­ry.

Inaasahang magi­ging handa ang PBA Slam Dunk champion para sa kampanya ng Tropang Texters.

Pumirma naman si Fonacier ng three-year deal, habang binigyan si Carey, ang natitirang original member ng Talk ‘N Text team na unang nakatikim ng kampeo­nato sa PBA noong 20­03, ng two-year contract.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

FIL-TONGAN MOALA TAUTUAA

FONACIER

GILAS PILIPINAS

HARVEY CAREY

JETH TROY ROSARIO

JONG UICHICO

N TEXT

SHY

TROPANG TEXTERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with