^

PM Sports

Valdez babandera para sa PLDT kontra sa Baguio sa pagbubukas ng Shakey’s V-League

Pang-masa

LARO NGAYON

(The Arena, San Juan City)

9 a.m. –  Cagayan vs Champion Infinity (Spikers’ Turf

12:45 p.m. – Fourbees vs Cagayan

2:45 p.m. – Coast Guard vs Navy

4:45 p.m. – Baguio vs PLDT Home Ultera

 

MANILA, Philippines - Makikita kung maka­ka­ya pa rin ni Alyssa Val­dez na maipakita ang impresibong laro sa collegiate league na UAAP sa pagsalang nito sa PLDT Home Ultera kontra sa Baguio sa pagsi­si­mula ngayon ng 12th Sha­key’s V-League Open Conference  sa The Arena sa San Juan Ci­ty.

Ang laro ay ikatlo at huling labanan sa triple-header ngunit tiyak na ku­kuha pa rin ng interes ang bakbakan dahil sa tam­balan ng mga mahu­husay na baguhan at mga datihan para ipalagay na paborito sa titulo ang koponang hawak ni coach Roger Gorayeb.

Maliban sa two-time UAAP MVP para sa back-to-back champion Ateneo na si Valdez, nasa koponan din ang 6-foot-4 spiker na si Ja­ja Santiago bukod pa sa mahusay na libero ng La­dy Eagles na si Denden Lazaro.

Makakasama nila ang mga subok nang si­na Gretchel Soltones, Ry­zabelle Devanadera, Sue Roces, Lou Ann La­tigay at Rubie de Leon.

“Kombinasyon ito ng youth at experience. Ang maganda lang nga­yon ay nakakapag-ensayo kami dahil mara­ming mga bata na hindi pa nagtatrabaho,” wika ni Gorayeb.

Ang season ay mag­bu­bukas sa pagkikita ng Cagayan Lady Ri­sing Suns at Fourbees ng Per­­petual Help sa alas-12:45 ng hapon bago ha­linhinan ng bakbakan ng Coast Guard at Navy sa alas-2:45 ng hapon.

Ang Cagayan ang nag­kampeon sa huling con­ference ng V-League at magbabalik sina Ma. Angeli Tabaquero, Pau Soriano, Wenneth Eula­lio, Shiela Pineda at ang MVP sa nagdaang con­ference na si Aiza Maizo-Pontillas para sa hangaring ikalawang sunod na titulo.

Samantala, magsi­si­mula rin ang bagong ta­tag na Spikers’ Turf at magtutuos sa unang laro ang Cagayan at Champion Infinity sa alas-9 ng umaga.

Ipaparada ng Caga­yan sina Marck Jesus Es­pejo at Peter Torres na pinangunahan ang Ate­neo at National University na nagtuos sa titulo sa men’s division at napagwagian ito ng Blue Eagles.

Hindi biro ang kala­ban ng Cagayan dahil ang Champion ay ang Systema na naglaro no­ong nakaraang taon sa men’s league ng Sha­key’s V-League at nala­gay ito sa ikalawang pu­westo kasunod ng nag­kampeong Instituto Estetico Manila (IEM).

(ATan)

vuukle comment

ACIRC

AIZA MAIZO-PONTILLAS

ALYSSA VAL

ANG

ANG CAGAYAN

ANGELI TABAQUERO

BLUE EAGLES

CHAMPION INFINITY

COAST GUARD

HOME ULTERA

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with