^

PM Sports

Lakas ni Pacquiao natikman ng sparmate ilong ni Sims pinadugo

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ito ang sparring session na hindi makakalimutan ni American welterweight Kenneth Sims, Jr.

Matapos ang kanilang apat na rounds na sparring ng 5-foot-6 na si Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao kahapon ay dumugo ang ilong ng 5-foot-10 na si Sims.

Isang mabigat na left straight ang tumama sa ilong ni Sims, isang eight-time US national amateur boxing champion, ayon kay assistant trainer Buboy Fernandez.

Masuwerte naman ang isa pang sparmate na si Kean­dre Gibson na hindi masyadong napuruhan sa apat na rounds na sparring nila ni Pacquiao.

Sina Sims at Gibson, parehong malaki, malakas at mabilis, ay kinuha ni chief trainer Freddie Roach para gayahin ang kilos ni Floyd Mayweather, Jr.

Kumpiyansa si Roach na habang tumatagal ang sparring session ni Pacquiao ay lalo itong lumalakas at bumibilis na siyang magpapalasap kay Mayweather ng kauna-unahan nitong kabiguan matapos ang 47 sunod na panalo.

Samantala, itinigil na ni Pacquiao ang pagtakbo sa bundok sa Griffin Park sa Los Angeles para maiwasan ang leg cramps nito sa aktuwal na laban.

Ayon kay Justin Fortune, ang strength and conditioning coach, ni Pacquiao, hindi na kailangan ni ‘Pacman’ na palakasin ang kanyang resistensya.

“The Griffith thing is no longer useful. We would like to focus more on further improving his speed and strength,” sabi ni Justin Fortune, ang strength and conditioning coach ni Pacquiao, sa panayam ng Philboxing.com.

Walong ikot ang ginawa ni Pacquiao sa rubberized track oval ng University of California-Los Angeles(UCLA) Sports Stadium bago nagtungo sa bleachers para sa kanyang legs workout.

Dalawang linggo pa ang gagawin ni Pacquiao na physical conditioning at leg training bilang pagha­handa sa kanilang banggaan ni Mayweather sa Mayo 2.

vuukle comment

BUBOY FERNANDEZ

FLOYD MAYWEATHER

FREDDIE ROACH

GRIFFIN PARK

JUSTIN FORTUNE

KENNETH SIMS

LOS ANGELES

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with