^

PM Sports

Warriors inilapit ni Thompson sa playoffs

Pang-masa

OAKLAND, Calif. -- Palaging sinasabi ni Steve Kerr na dapat panatilihin ng Golden State Warriors ang kanilang momentum at mataas na antas ng paglalaro.

Ngunit hindi niya ito nakita sa malamya nilang inilaro laban sa Detroit Pistons kung saan sila natawagan ng 16 turnovers.

Umabot si Klay Thompson sa 5,000-point milestone at nagsalpak ng dalawang mahalagang 3-pointers sa loob ng 69 segundo para igiya ang Warriors sa 105-98 panalo laban sa Pistons.

Ito ang pang-limang sunod na panalo ng Golden State.

Tumapos si Thompson na may 27 points mula sa 11-for-19 shooting para sa ika-51 panalo ng Warriors na pumantay sa kanilang marka sa nakaraang season na naglapit sa kanila sa playoff spot.

Nagdagdag si Andrew Bogut ng 12 points, 6 rebounds at 2 shot blocks.

Ngunit hindi nagustuhan ni Kerr ang 16 turnovers ng Golden State.

“With the regular season winding down, we want to be playing our best basketball come three weeks, going into the playoffs,’’ sabi ni Thompson. “If we lock down that home-court advantage, we’re going to be a tough out for anybody.’’

Humakot naman si Andre Drummond ng career-high 27 rebounds - ang 17 dito ay offensive - at 22 points para sa Pistons na nalasap ang ikawalong sunod nilang kamalasan.

Ang dalawang tres ni Thompson ay itinampok sa 18-2 ratsada ng Warriors para talunin ang Pistons.

Hindi na nabigyan ni Kerr ng pahinga ang kanyang mga regulars bagama’t pinayagan niya si Stephen Curry na magkaroon ng second-half break.

Sa Boston, kinumpleto ni Marcus Smart ang kanyang go-ahead, three-point play sa huling 52 segundo, habang nagsalpak si Avery Bradley ng clutch jumper sa natitirang walong segundo para akayin ang Celtics sa 95-92 panalo laban sa Memphis Grizzlies.

Tinalo ng Grizzlies ang Celtics sa produksyon sa shaded lane, 50-36 at tumapos na may 41-36 rebounding advantage.

 

vuukle comment

ANDREW BOGUT

AVERY BRADLEY

DETROIT PISTONS

GOLDEN STATE

GOLDEN STATE WARRIORS

KERR

KLAY THOMPSON

MARCUS SMART

MEMPHIS GRIZZLIES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with