^

PM Sports

Bulls pinabagsak ang Nuggets; Gay nagbida sa panalo ng Kings

Pang-masa

CHICAGO -- Ibina­ngon ni Derrick Rose ang kanyang sarili mula sa mahinang laro sa pa­ma­magitan ng pagsasalpak ng mahahalagang basket sa dulo ng fourth quarter.

Humugot si Rose ng 13 sa kanyang 17 points sa final canto para tulu­ngan ang Chicago Bulls sa 106-101 panalo laban sa Denver Nuggets.

Umiskor si Jimmy But­ler ng 26 para bande­rahan ang Chicago, habang nagdagdag si Pau Ga­sol ng 17 points, 9 rebounds at career-high na 9 shotblocks.

Naglista ang Bulls ng franchise-record na 18 blocks patungo sa ka­nilang ika-11 panalo sa na­karaang 13 laro.

Nakuha ni Rose ang kan­yang porma matapos ang dalawang sunod na ma­lamyang laro.

“My mentality is not going to change,” wika ni Rose. “I’m going to shoot the ball. I’m a scoring guard.”

Nagtala ang 2011 MVP ng 7-of-25 fieldgoal shooting matapos magposte ng mahinang 7-for-35 clip sa nakaraan nilang dalawang laro.

Pinamunuan naman ni Wilson Chandler ang Den­ver mula sa kanyang 22 points.

Nag-ambag si Ty Law­son ng 20 points ka­su­nod ang 19 ni Arron Afflalo, habang humakot si Kenneth Faried ng 18 points at 19 rebounds para sa Nuggets.

Kinuha ng Chicago, iniwanan ang Denver sa 13 puntos sa third period, ang 100-97 sa huling 46 se­gundo.

Nagsalpak si Rose ng isang 21-foot jumper, kasunod ang dunk ni Faried sa natitirang 22 segundo para idikit ang Nuggets sa tatlong puntos na agwat.

Sa Minneapolis, kumolekta si Rudy Gay ng 21 points, 6 rebounds at 5 assists para ihatid ang Sacramento Kings sa 110-107 panalo kontra sa Timberwolves.

Ipinalasap ng Sacramento ang pang-10 sunod na kabiguan ng Minnesota.

Naglista si DeMarcus Cousins ng 19 points at 7 rebounds, habang gumawa si Darren Collison ng 21 points at may 17 si Derrick Williams.

Pinamunuan naman ni Andrew Wiggins ang Timberwolves sa bisa ng kanyang 27 points at 9 re­bounds.

vuukle comment

ANDREW WIGGINS

ARRON AFFLALO

CHICAGO BULLS

DARREN COLLISON

DENVER NUGGETS

DERRICK ROSE

DERRICK WILLIAMS

POINTS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with