^

PM Sports

Shakey’s V-League Season 11 Third Conference post mortem: Hindi lang imports ang nagtrabaho sa tagumpay ng Cagayan Rising Suns

Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi itinatatwa ni Cagayan Valley Lady Rising Suns coach Nestor Pamilar na malaki ang itinulong ng mga Thai imports na sina Hyapha Am-port at Patcharee Saengmuang sa kanilang pagkapanalo sa Army Lady Troopers sa Shakey’s V-League Season 11 Third Confe-rence finals.

Pero hindi rin maipagkakaila na umangat din ang paglalaro ng kanilang mga locals dahilan kung bakit mas naging malalim ang koponan sa best-of-three finals.

“Walang duda na malaki ang itinulong ng mga imports namin. Pero maganda rin ang inilaro ng mga locals at kung wala ang kanilang suporta, sa palagay ko ay hindi kami magkakampeon,” wika ni Pamilar.

Si Aiza Maizo-Pontillas ang lumabas na alas ng Cagayan sa ligang inor-ganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s bukod pa sa suporta ng Accel at Mikasa.

Dahil sa galing ng nasabing manlalaro, si Maizo-Pontillas ang ginawaran hindi lamang ng Conference MVP kungdi pati Finals MVP.

Ito ang ikalawang pagkakataon na nakuha ni Maizo-Pontillas ang ganitong parangal dahil sa sixth season ng liga at habang naglalaro pa sa UST ay siya rin ang nanalo sa dalawang parangal.

“Hindi ko magagawa ito kung hindi sa suporta at tiwala ng mga teammates ko,” pahayag ni  Maizo-Pontillas na siya ring natatanging manla-laro na nakagawa ng bagay na ito sa kasaysayan ng V-League.

Naroroon din ang ga-ling ni Chie Saet dahil nagawa niyang bigyan ng magagandang bola ang kanilang mga spikers habang lumabas din ang pagiging beterana ni Angeli Tabaquero sa championship series.

Sunod na pagtutuunan ng koponan ay ang makatikim ng ikalawang sunod na titulo.

Nagkampeon na ang koponan sa second conference noong nakaraang taon na kung saan  na-sweep ng Cagayan ang lahat ng laro.

Pero nabigo sila sa pagpapalawig sa dominasyon sa liga dahil hindi kuminang ang koponan sa unang conference ng V-League sa taong ito.

“Ang layunin namin ay manalo pa uli ng titulo kaya kailangang matuto kami sa nangyari sa amin sa conference na ito at gamitin ang natutunan para mas lumakas pa sa susunod na conference,”  dagdag ni Pamilar. (AT)

vuukle comment

ANGELI TABAQUERO

ARMY LADY TROOPERS

CAGAYAN VALLEY LADY RISING SUNS

CHIE SAET

HYAPHA AM

MAIZO-PONTILLAS

NESTOR PAMILAR

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with