^

PM Sports

Umabot sa P3M ang kinita ng mga alaga ni Mayor Abalos

Pang-masa

MANILA, Philippines - Halos tatlong mil­yong piso ang naipasok ng mga kabayong pag-aari ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos para mabalik sa liderato sa palakihan ng kinita sa hanay ng mga horse owners.

May 11 panalo ang  nai­tala ng mga ipinanlaban ng batikang horse owner sa buwan ng Agosto.

Tampok dito ang pamamayagpag ng Malaya sa na­karaang Lakambini Stake Race.

Bunga ng nasabing masiglang kampanya, si Abalos ang naging kauna-una­hang horse owner na pu­masok sa P9-million mark.

Ito ay mula sa kanyang kinitang P9,037,387.69.

May kabuuang 34 pa­nalo bukod pa sa 39 se­gun­do, 21 tersero at 14 ku­warto puwesto ang mga lahok ni Abalos matapos ang walong buwan sa taong 2014.

Si Atty. Narciso Morales na siyang nanguna noong nakaraang buwan ay bumaba sa ikalawang pu­westo nang dala­wang kabayo lamang ang pi­nalad na manalo.

Tangan ang 55 pana­lo, 54 segundo, 51 tersero at 47 kuwarto pu­wes­tong pagtatapos, si Mo­rales ay kumabig ng P8,269,360.52 premyo.

Si Patrick Uy na may tangan ng pinakamara­ming panalo sa mga may-ari ng pangarerang kabayo na 62 ay bumaba mula sa pangalawa patungo sa pangatlong puwesto.

May P8,139,499.34 gan­timpala si Uy matapos magtala ng 32 segundo, 37 tersero at 50 kuwarto pu­westo.

Ang dating nanguna rin na Jade  Bros. Farm ang na­sa ikaapat na puwesto sa P7,820,191.42 mula sa 54-43-32-47 baraha.

Si Ruben Dimacu­ha ang nasa ika-limang pu­wes­to sa P7,250,211.89 prem­yo sa 49-31-23-21 una hanggang ikaapat na puwestong pagtatapos.

Ang Triple Crown owner na si  Emmanuel San­tos ang nasa ika-walo sa kanyang P5,539,211.29 (14-7-8-11), si Antonio Tan Jr. ang nasa ika-siyam sa P5,477,215.86 (26-21-18-28) at si Leonardo ‘Sandy’ Javier Jr. ang nasa ika-10 puwesto sa P5,453,197.79 (31-22-29-27).

Ang nagdedepensang Horse Owner of the Year na si Hermie Esguerra ang nasa ika-11 puwesto bitbit ang P5,272,918,74 sa 34-20-17-6 karta. (ATan)

vuukle comment

ABALOS

ANG TRIPLE CROWN

ANTONIO TAN JR.

EMMANUEL SAN

HERMIE ESGUERRA

HORSE OWNER OF THE YEAR

JAVIER JR.

LAKAMBINI STAKE RACE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with