^

PM Sports

Pacquiao at Algieri dadayo sa New York

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Tatapusin nina Filipi­no world eight-division champion Manny Pacquiao at American chal­len­ger Chris Algieri ang ka­nilang press tour nga­yon sa New York City.

Sinimulan nina Pacquiao at Algieri ang ka­nilang  27,000-mile tour pa­ra sa promosyon ng la­ban nila sa Macau bago bu­miyahe sa Shanghai, Chi­na kasunod sa San Fran­cisco, Las Vegas at Los Angeles.

Hindi iniisip ng 35-anyos na si Pacquiao at ng 30-anyos na si Al­gieri kung makakatulong sa pay-per-views ang ka­nilang ginawang media tour.

Ito ay dahil sa kasiyahan nila sa nasabing mga biyahe.

“This isn’t work. It’s fun,” sabi ni Pacquiao, ide­depensa ang kanyang suot na World Boxing Organization (WBO) welterweight crown laban kay Algieri sa Nobyembre 22 sa The Venetian sa Macau.

Noong Miyerkules sa kanilang Los Angeles tour stop, umakyat ang 5-foot-6 na si Pacquiao sa isang silya para ipakita ang di­pe­rensya nila sa taas ng 5’10 na si Algieri, ang bagong WBO light welterweight titlist.

Naging masaya ang ka­nilang media tour kung saan  sumali sina Pac­quiao at Algieri sa ilang bar games bukod sa paghahagis ng unang pitch bago ang laro ng San Francisco Giants at Los Angeles Dodgers.

“This is the press tour and we’re traveling around, having fun, and everybody is friends,” wi­ka ni Pacquiao. “Once I get into training camp, everything will change.”

 

vuukle comment

ALGIERI

CHRIS ALGIERI

LAS VEGAS

LOS ANGELES

LOS ANGELES DODGERS

MACAU

PACQUIAO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with