^

PM Sports

No. 3 seat asam ng Raiders kontra sa Rising Suns

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Paglalabanan ng Air Force at ng nagdedepensang Cagayan Valley ang No. 3 tiket sa Final Four ng Shakey’s V-League Sea­son 11 Open Confe­rence sa The Arena sa San Juan City.

Lalabanan ng Rising Suns ang Raiders nga­yong alas-2 ng hapon ba­go ang labanan ng semifinalists nang Philippine Army Lady Troopers at PLDT Home Telpad Turbo Boosters para sa No. 1 spot sa alas-4.

Ang mananalo sa pagitan ng Lady Troopers at Turbo Boosters ang lalaban sa No. 4 team sa Final Four sa torneong itinataguyod ng Shakey’s katuwang ang Mikasa at Accel.

Naisuko naman ng Cagayan ang apat na laro sa quarterfinals na naglagay sa panganib na masibak sa torneong kanilang dinomina via 16-game sweep noong nakaraang taon para sa korona.

Nauna nang tinalo ng Rising Suns ang Raiders noong Hulyo 17.

Para maibulsa ang automatic semis slot, dapat talunin ng Cagayan ang Air Force sa tatlong sets na magtatakda sa playoff ng Raiders at Ateneo Lady Eagles para sa No. 4 spot sa Final Four sa Martes.

Kung mananalo ang Rising Suns sa apat na sets, isa sa Cagayan at Ateneo ang kukuha sa  No. 3 berth.

Ito ay magiging depende sa scores quotient.

Ang koponang may mababang quotient ang makakaharap ng Air Force sa playoff.

Ang tagumpay ng Rising Suns sa limang sets ang magbibigay sa Lady Eagles ng outright semis berth  at mag-aayos sa playoff ng Cagayan at Air Force para sa No. 4 seat.

Ang tagumpay naman ng Raiders ang tuluyan nang sisibak sa Rising Suns sa torneo.

vuukle comment

AIR FORCE

ATENEO LADY EAGLES

CAGAYAN VALLEY

FINAL FOUR

HOME TELPAD TURBO BOOSTERS

LADY EAGLES

LADY TROOPERS

OPEN CONFE

RISING SUNS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with