^

PM Sports

Pilipinas giniba ang Bulgaria sa 2014 World Pool Team tourney

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinabagsak ng Pilipi­nas ang Bulgaria, 5-1, sa pagbubukas ng 2014 World Pool Team Championship kamakalawa sa Tongzhou Luhe High School sa Beijing, China.

Ang World Cup of Pool champion na si Dennis Or­collo at Lee Van Corteza ay sinamahan ni­na Carlo Biado at lady pool player Rubilen Amit na dinomina ang mga Bul­­garian cue artists na si­na Stanimir Dimitrov, Ra­dostin Dimov, Lyudmil Georgiev at Kristina Zla­teva tungo sa 1-0 karta sa Group A.

Tutumbukin ng Pilipinas ang ikalawang panalo kontra kina Oscar Dominguez, Hunter Lombardo, Corey Deuel at Jennifer Bar­retta ng US kahapon.

Natalo ang US team ki­na Karol Sko­werski, To­masz Kaplan, Ma­teusz Sniegocki at Katazyna Wes­lowska ng Poland, 4-2.

May 25 teams mula sa 24 bansa, dalawa ang lahok ng China, hinati sa anim na grupo at ang ma­ngungunang dalawang teams sa group eliminations ang papasok sa Last 16.

Kukumpletuhin ang apat na nalalabing puwes­to base sa rankings ng nahuhuling 13 koponan.

Ito ang ikatlong edis­yon ng kompetisyon at ha­nap ng Pilipinas ang hi­gitan ang naabot nina Ron­nie Alcano, Warren Kiamco, Antonio Lining, Marlon Manalo at Orcol­lo na pangalawang pu­wes­to sa unang edisyon no­ong 2010 sa Hannover, Germany.

Ito ay sinimulan no­ong 2012.

vuukle comment

ANG WORLD CUP OF POOL

ANTONIO LINING

CARLO BIADO

COREY DEUEL

DENNIS OR

GROUP A

HUNTER LOMBARDO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with