UAAP Basketball Commissioner kung ‘di si Jaworski, baka si Jao?
MANILA, Philippines - Si Andy Jao at hindi si living basketball legend Robert Jaworski, Sr. ang posibleng maging susunod na basketball commissioner ng UAAP Season 77 na magbubukas sa Hulyo 12.
Sinabi ng dalawang sources na may alam sa UAAP board na inirekomenda si Jao para sa kanyang ikalawang termino bilang league commissioner matapos noong 2011.
Inaasahang ihahayag ng host University of the East ang kanilang desis-yon bukas.
“Most probably it will be him (Jao) but we can’t really say until it has been officially announced,†sabi ng isang source.
“During our last board meeting early this month, Andy Jao came out as the choice. I’m just not sure why they have not announced it,†wika naman ng isa.
Isa ang pangalan ni Jaworski, isang UE alumnus, sa mga napasama sa listahan ng kandidato ng UE.
Ang iba pang nasa listahan para palitan si Chito Loyzaga ay sina Noli Eala, Joe Lipa, Chino Trinidad, Bong Ramos ng Barako Bull at dating referee Tito Varela.
Kasama din sa ikinunsidera si UE assistant coach Arturo ‘Bai’ Cristobal na hinirang namang commissioner ng NCAA na pamamahalaan ng host Jose Rizal University para sa Season 90 sa susunod na buwan.
- Latest