^

PM Sports

Maraming sakay si Guce Sa buwan ng Abril

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinamantala ni Jesse Guce ang pagkakaroon ng maraming sakay noong Abril para umabante na sa talaan ng winningest jockey’s matapos ang buwan ng Abril.

Nabiyayaan ang class A jockey ng 91 sakay at naghatid siya ng 15 panalo bukod pa sa 11 segundo,10 tersero at 14 kuwarto puwestong pagtatapos.

Ang nanguna sa buwan ng Marso na si Fernando Raquel Jr. ay nagkaroon lamang ng 34 takbo ay may pitong panalo, tatlong segundo, pitong tersero at tatlong kuwarto puwesto para maisuko ang pangunguna matapos ang apat na buwan sa taong 2014.

Bitbit ang kabuuang 54-58-49-51 karta sa nangu­ngunang 364 takbo, si Guce ay umabante na tangan ang P1,332,972.24 kinita habang si Raquel ang nasegundo ngayon sa P1,220,573.83 mula sa 59-38-29-23 karta sa 234 sakay.

Nanatili sa ikatlo at apat na puwesto sa talaan sina Pat Dilema at Mark Alvarez at nakapasok na sila sa ‘millionaires list’ ng mga hinete.

Pumalo na sa ­P1,­163,390.43 ang earnings ni Dilema matapos ang 244 sakay at siya ay nakapaghatid ng 57-39-31-26 una hanggang pang-apat na puwestong pagtatapos.

Si Alvarez ay mayroong P1,103,385.78 kita sa 287 sakay at 50-39-28-34 kartada.

Nasa ikalimang puwesto pa rin si Jonathan Hernandez sa P979,755.63 matapos ang 167 sakay (45-27-30-18) habang si Jordan Cordova ang nasa ikaanim na puwesto sa P953,888.06 buhat sa 235 sakay (51-30-26-14).

Kapit pa rin ni Dominador Borbe Jr. ang ikapi­tong puwesto tangan ngayon ang P656,246.54 sa 181 nilahukan (24-26-24-18) pero nagkaroon ng pagbabago sa sumunod na tatlong puwesto na kukumpleto sa unang sampung puwesto.

Ang mga apprentice riders na sina JD Juco at JL Paano ang nasa ikawalo at siyam na puwesto habang si Jeff Bacaycay na dating nasa ikawalong puwesto ay bumaba sa ika-sampung puwesto.

Lumundag si Juco mula sa ika-12th puwesto noong Marso matapos palawigin ang kinita sa P621,791.86 sa 175 sakay (24-32-31-17) habang si Paano na dating nasa ika-11th puwesto, ang nasa pangsiyam sa P610,941.07 sa 204 takbo (25-29-22-19).

Si Bacaycay ay may P587,480.71 sa 196 sakay (23-23-35-34).

Si Kevin Abobo na dating nasa ika-siyam na puwesto ay bumaba sa ika-12th spot tangan ang P539,871.23 sa 130 takbo (20-30-18-15) habang si JPA Guce na dating nasa ika-10th puwesto, ay nasa ika-11th ngayon sa P584,987.67 (22-19-26-13). (AT)

vuukle comment

ABRIL

DOMINADOR BORBE JR.

FERNANDO RAQUEL JR.

GUCE

IKA

JEFF BACAYCAY

NASA

PUWESTO

SAKAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with