^

PM Sports

Tatlong expansion teams pasok sa 40th season ng PBA

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos ang isang four-hour meeting sa ka­ni­lang opisina sa Libis, Quezon City, ibinigay ng PBA Board ang ‘green light’ para sa pagpasok ng Blackwater Sports/Ever Bi­lena, NLEX ng Manny V. Pangilinan group at ng Columbia Autocar Corporation sa 40th season.

“Three applied, three were recommended for ap­proval and now, three were approved,” sabi kahapon ni PBA Commissioner Chito Salud.

Sa pagpasok ng Blackwater Sports, NLEX at Co­lumbia, magkakaroon ang liga ng kabuuang 13 ko­ponan para sa susunod na season.

Ang tatlong expansion teams ang pinakamara­ming tinanggap ng professional league matapos ang Pepsi at Sarsi noong 1990.

Ang Blackwater at NLEX ay may mga kopo­nan sa PBA D-League, ha­bang ang Columbia ay ang gu­­­magawa ng sasak­yang Kia.

Samantala, tatangka­in ng Talk ‘N Text na walisin ang eliminasyon kon­tra sa talsik nang Glo­balport nga­yong alas-8 ng gabi matapos ang pagta­tag­po ng Meralco at ng Ba­­rako Bull sa alas-5:45 ng hapon sa 2014 PBA Com­missioner’s Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay Ci­ty.

 

vuukle comment

ANG BLACKWATER

BLACKWATER SPORTS

COLUMBIA AUTOCAR CORPORATION

COMMISSIONER CHITO SALUD

EVER BI

MALL OF ASIA ARENA

MANNY V

N TEXT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with