Mayweather minaliit ang kinita ni Manny sa Pay-Per-View
MANILA, Philippines - Ipinamukha ni Floyd Mayweather, Jr. kay Manny Pacquiao na wala sa kanyang kalingkingan ang Filipino boxing superstar kung ang pay-per-view numbers ang pag-uusapan.
“You know, a lot of times, it’s hard to make fights when you got a guy that when they keep trying to say this guy Pacquiao is on the same level as Floyd Mayweather,†sabi ni Mayweather sa panayam ng FightHype.com. “I say, well, me, honestly, in my eyes, that’s not true.â€
Muling ipinagyabang ng 36-anyos na si Mayweather (45-0-0, 26 KOs) kay Pacquiao (55-5-2, 38 KOs) ang kanyang pay-per-view record na 2.48 million buyers para sa kinitang $136 milyon sa kanilang super welterweight fight ni Oscar Dela Hoya noong Mayo ng 2007.
“My pay-per-view numbers is still the best of any fighter in the history of the sport,†sabi pa ng American world five-division titlist.
Sa kanyang panalo kay Canelo Alvarez noong Setyembre ay kumita ito ng $150 milyon mula sa 2.2 million pay-per-view buys.
Sa unanimous decision win naman ni Pacquiao kontra kay Brandon Rios noong Nobyembre 24 sa Macau, China ay humakot lamang ito ng $30 milyon mula sa 475,000 pay-per-view buys.
Kamakailan ay inilista ng World Boxing Council (WBC) ang 35-anyos na Filipino world-eight division champion bilang No. 1 contender para sa suot na welterweight title ni Mayweather.
Ayon kay WBC secretary-general Mauricio Sulaiman, wala pa silang kautusan para sa pagtatakda ng banggaan nina Pacquiao at Mayweather.
Nakatakdang lumaban si Pacquiao sa Abril sa susunod na taon matapos ang kumbinsidong panalo kay Rios.
- Latest